Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagpapatawad Para Sa Mga Nakasakit Sa AtinHalimbawa

Forgiving Those Who Wound Us

ARAW 4 NG 7

Ang Regalo na Pagpapatawad

Ang marami sa atin ay namumuhay nang may mga alitang hindi pa nareresolba, naputol na komunikasyon at nagpapatuloy na mga "isyu" sa pagitan natin at ng iba. Ngunit may dakilang pag-asa! Ang simbahan ay idinisenyo ng Diyos na maging isang samahan ng mga mananampalatayang magkasamang namumuhay nang may kapayapaan. Sa siping ito, tagubilin sa mga mananampalataya ang "maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa...." Ang kautusang maging mabait at maawain ay mas lalo pang binibigyang-diin ng kautusang magpatawad. Ang pagpapatawad ay regalo na ibinibigay natin sa iba, isang may-pagsasakripisyong pamamamaraan ng pamumuhay kung saan pinapalaya natin ang iba mula sa pananagutan para sa mga kasalanan nagawa sa atin. Dahil ibinigay ng Diyos ang Kanyang sariling anak upang pawiin ang lahat ng ating mga kasalanan, kaya nating magpatawad ng iba; binayaran na ng Diyos ang kailangan bayaran. Napanghahawakan natin ang may-pagsasakripisyong regalo ng Diyos kay Cristo kapag pinapatawad natin ang iba.


Ang motibasyon na umiiral sa ganitong paglago ng pagmamahal ay hindi matatagpuan sa ating mga puso. Bagkus, ang motibasyon ay nagmumula sa Diyos at sa ginawa Niyang pagpapatawad sa atin sa pamamagitan ni Cristo. Ang isang utang ay kinakailangang bayaran dahil totoong mga kasalanan ang nagawa. Ngunit, kapag nagpapalaya tayo mula sa pananagutan para sa kasalanang nagawa sa atin, nagtitiwala tayo sa kagandahang-loob ng Diyos na pagbayaran ang kailangan pagbayaran. Ito ay naghahatid ng kalayaan sa sarili nating mga buhay. Nagbibigay-daan itong matamasa natin ang kalayaan kay Cristo at pagkakasundo kasama ng iba! Isipin na lang ang kalayaan at mabuting pakikipagkapwang mararanasan natin kung ang lahat ng relasyon natin ay makikitaan ng ganap at malayang pagpapatawad. Ang pagsasama-sama nating mga mananampaltaya ay pinapalawig at pinapalakas sa pamamagitan ng mga relasyon na may kabaitan, pagiging maawain at pagpapatawad sa isa't isa.


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Forgiving Those Who Wound Us

Nagdurusa man tayo ng emosyonal o pisikal na sugat, ang pagpapatawad ay siyang pundasyon ng buhay Cristiano. Nakaranas si Jesu-Cristo ng hindi patas at hindi makatarungang pagtrato, maging ang hindi tamang kamatayan. Ngu...

More

Nais naming pasalamatan si Joni at Friends, International at Tyndale House Publishers, mga lumikha ng Beyond Suffering Bible, sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.beyondsufferingbible.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya