Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagpapatawad Para Sa Mga Nakasakit Sa AtinHalimbawa

Forgiving Those Who Wound Us

ARAW 3 NG 7

Pagpapanumbalik ng Mga Relasyon

Nakikita mo ba ang iyong sarili na lubhang nag-iisip tungkol sa ilang mga relasyon dahil sa sobrang pagkawasak nito at sa sakit na naidulot nito?

Maaaring maging napakahirap na magkaroon ng isang espiritung nagagalak kapag ang isipan ng isang tao ay lubhang napapagod. May mga pagkakasalang pumapagitan sa atin at sa iba na maaaring makaabala sa ating kaugnayan sa ating banal na Diyos. Ang ating pagsamba ay dapat maging dalisay at walang kapintasan. Ang ating kapatawaran kay Cristo ay gumagarantiya na maaabot natin ang Diyos, ngunit nais Niya tayong maging katulad ng kanyang Anak. Pinayuhan tayo ni Jesus na "makipagkasundo" sa iba. Ang pakikipagkasundo ay upang mapanumbalik ang ating relasyon sa tama. Wala tayong paggalang kay Cristo kapag ang ating mga relasyon ay wala sa ayos. Sa pamamagitan ng pagpapatawad maaari nating panumbalikin ang ating mga relasyon at sambahin ang Diyos na may malinis na budhi. Kung hindi gustong makipagkasundo ng ibang tao, obligado pa rin tayong gawin ang lahat ng magagawa natin upang maipagpatuloy ang pagkakasundo.


Kapag tayo ay nabubuhay sa ganitong paraan, pinararangalan natin si Cristo, at ang ating pagsamba sa Diyos ay bukas at malaya. Habang tayo ay lumalago at nagiging mas katulad ni Cristo, makikita natin na ang maraming mga pananakit ay madaling "hindi pansinin." Pinipili nating huwag masaktan (tingnan sa Mga Kawikaan 19:11). Nagpapatawad tayo sa iba, dahil tinatanggap natin na tayo man ay nakakapanakit sa iba nang hindi natin nalalaman. Ito ay isang mahusay na tugon sa maraming mga kasalanan, isang bagay na makakaiwas sa mga di-kinakailangang pagtatalo at makakaiwas sa pagkasira ng mga relasyon. Ang ganitong mga pag-uugali ay nagpapalaya sa atin upang tamasahin ang walang sagabal na pakikisama sa Diyos at sa ibang tao.


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Forgiving Those Who Wound Us

Nagdurusa man tayo ng emosyonal o pisikal na sugat, ang pagpapatawad ay siyang pundasyon ng buhay Cristiano. Nakaranas si Jesu-Cristo ng hindi patas at hindi makatarungang pagtrato, maging ang hindi tamang kamatayan. Ngu...

More

Nais naming pasalamatan si Joni at Friends, International at Tyndale House Publishers, mga lumikha ng Beyond Suffering Bible, sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.beyondsufferingbible.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya