Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagpapatawad Para Sa Mga Nakasakit Sa AtinHalimbawa

Forgiving Those Who Wound Us

ARAW 2 NG 7

Isang Pamumuhay ng Pagpapatawad

Pagkatapos turuang manalangin ang kanyang mga alagad, binigyan sila ni Jesus ng mahalagang pananaw kung paano sama-samang lumakad sa sirang mundo. Ipinakita Niya sa kanila kung paano tinitingnan ng Ama sa langit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa isa't isa, at ipinakita sa kanila kung paano lumakad alinsunod sa kanyang biyaya.

Ang ating Ama ay hindi lamang nagbibigay ng ating pang-araw-araw na tinapay, nagbibigay din siya ng pang-araw-araw na disiplina. Ang pagpapatawad sa mga kasalanan sa talatang ito ay tumutukoy sa araw-araw na akumulasyon ng mga maling gawa, sakit, at mga kamalian na bahagi ng pamumuhay ng ating pananampalataya sa isang makasalanang mundo. Nais ng ating Ama na turuan din tayo sa aspetong ito ng buhay. Kung pinatigas tayo at hindi nagpapatawad sa iba (dahil madalas nila tayong sinasaktan), ang ating Ama ay mabuti at dinadala tayo sa ganitong pagsubok hanggang matuto tayo kung paano magpatawad. Siya ay mabait sa pagharap sa ating kapalaluan at pagpapaalala sa atin ng ating sariling mga pagkakamali.


Ang paglalakad sa pagpapatawad ay nangangahulugan na mabilis nating kinikilala ang ating mga kasalanan sa iba at hilingin ang kanilang pagpapatawad sa lalong madaling panahon. Ngunit, nangangahulugan din ito na handa tayo at pumapayag na patawarin ang mga nagkasala sa atin. Ang gayong pagpapatawad ay nangyayari kapag isinasaalang-alang natin na tayo ay pinatawad na ng Ama sa pamamagitan ni Cristo (Mga Taga-Efeso 4:32). Ang mga insulto at pinsala na natatanggap natin mula sa iba ay maliit kumpara sa kung ano ang pinagdusahan ni Cristo bilang resulta ng ating mga kasalanan laban sa Kanya.

Ang pamumuhay na may pagpapatawad ay nagbibigay-daan sa atin na huwag pansinin ang mga maliliit na pagkakasala at bumuo ng mga relasyon na matibay sa malusog na komprontasyon sa mga seryosong kasalanan sa isa't isa. Ang ganitong paraan ng pamumuhay ay maaaring makatulong din sa atin upang makita ang isang daigdig na puno ng kawalang-katarungan tulad ng nakita ng ating Ama—isang mundo na nangangailangan ng isang Tagapagligtas. Nang sa ganoon ay maaari tayong maging bahagi sa Kanyang mas malaking plano na tubusin ang mundo sa pamamagitan ng pagpapamalas ng katotohanan ng ebanghelyo sa ating sariling buhay.


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Forgiving Those Who Wound Us

Nagdurusa man tayo ng emosyonal o pisikal na sugat, ang pagpapatawad ay siyang pundasyon ng buhay Cristiano. Nakaranas si Jesu-Cristo ng hindi patas at hindi makatarungang pagtrato, maging ang hindi tamang kamatayan. Ngu...

More

Nais naming pasalamatan si Joni at Friends, International at Tyndale House Publishers, mga lumikha ng Beyond Suffering Bible, sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.beyondsufferingbible.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya