Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kaluwalhatian ng HariHalimbawa

Splendor Of The King

ARAW 4 NG 5

Nilikha Upang Umunlad

Hindi laging madali ang makipag-relasyon, subalit ang Diyos ay para sa pakikipag-ugnayan at gayun din naman tayo. Ang relasyon ay mayroong tagumpay at kabiguan. Isang minuto ay maayos, hanggang may mabigkas na masakit na salita at doon papasok na ang tensyon.

Si Sambo, na minsa’y naging isang batang sundalo ay mayroong kaunting kagamitan lamang. Nasira ang kaniyang pamilya, wala siyang relasyon kay Jesus, galit ang mga kapitbahay niya sa kanya, at siya ay nalulong sa alak. Ang ganitong bagay ay hindi kayang lutasin ng pera. Siya ay may galit sa puso, kaya kailangan manumbalik ang relasyon niya sa Diyos.

Sa Tearfund, madalas kaming makakita ng kahirapan. Madaling isipin na ang kahirapan ay kakulangan sa pera at isang aspeto naman talaga ito. Subalit ang pera ay sintomas lamang ng isang mas malaking problema, ang pagkasira ng relasyon sa Diyos, sa sarili, at sa ibang tao.

Noong nilikha ng Diyos ang mundo, hangad ng Diyos na maging maunlad ang tao na bunga ng pakikipagrelasyon sa Kanya, at maging sa ating sarili at ibang tao.

Hindi nais ng Diyos na ang tao ay mag-isa. Ginawa Niya tayo upang maging masagana at ang kahulugan nito ay masayang namumuhay kasama ang ibang tao upang maranasan ang pagmamahalan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Kaya ginawa niya tayo nang may kaukulang silbi sa bawa’t isa at plano.

Manalangin:

Salamat Panginoon sa hangarin Mong maganda sa amin. Hinihiling kong ilahad Mo sa akin ito ngayong araw. Ituro Mo sa akin ang aking gagawin. Amen.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Splendor Of The King

Nang ipinahayag ni Jesus ang simula ng Kanyang ministeryo, ginamit Niya ang mga salita sa Isaias 61. Ipinahayag Niyang ang Kanyang misyon ay upang dalhin ang mabuting balita sa mga dukha; palayain ang mga bihag, pagalingin ang mga sugatang puso, aliwin ang mga nagluluksa. Ngunit ano nga ba talaga ang anyo ng mabuting balita?

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.tearfund.org/yv