Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa

Mapayapa sa Hinaharap
Mayroon ka bang kapayapaan tungkol sa hinaharap? Ang mga gabing walang tulog, stress, pagkabalisa ay nagpapatunay na wala. Maraming mga tinig ang nanghihingi ng ating atensyon. Sabi ng isa, “Patunayan mong mabuti kang tao.” Ang isa naman ay nagsasabi, “Ikaw, mahiya ka nga sa sarili mo.” At meron pang nagsasabi, “Wala naman talagang may pakialam sa iyo,” at isa pa, “Dapat kang maging matagumpay sa buhay, sikat at makapangyarihan.”
Subalit sa kabila ng lahat ng mga tinig na ito mayroon pa ring maliit na tinig na nagsasabing, “Ikaw ay aking minamahal, ikaw ay aking kinalulugdan.” At ’yon ang tinig na dapat nating pakinggan. Itigil na natin ang pagkapit sa ating mga ambisyon, kundi ilagay natin ang ating buong tiwala sa Diyos, upang mahanap natin ang kapayapaan sa itinakdang hinaharap ng Diyos para sa atin.
Kawikaang Aprikano:
Ang taong sobrang taas ng pangarap ay hindi nakakatulog nang mapayapa. ~ Kawikaan mula sa Chad
Ang panalangin ay ang buhay ng lahat ng ating ginagawa.Samahan ang Tearfund, at ang libo-libong simbahan sa buong mundo sa pagdarasal habang ating hinahanap ang kapayapaan at pagpapagaling ng Diyos sa naghihirap na mundo.
Aksyon:
Isulat ang iyong limang taong plano at ilista ang lahat ng gusto mong mapagtagumpayan para sa panahong ito. Pagkatapos ay isulat mo ang lahat ng kailangan mo mula sa Diyos upang maisagawa mo ang iyong mga hangarin at alamin mo ang mga bagay na kailangan mong bitawan o nararamdamang dapat isakripisyo para sa Kanya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Hinahanap ng Tearfund ang pamumuno ng Diyos sa kung paano maging isang aktibong tinig ng kapayapaan, pagbabalik ng relasyon, at pagkakaisa sa gitna ng mga komunidad sa buong mundo. Ang 7-araw na pag-aaral na ito ay may pang-araw-araw na mga aksyon para sa pagpapanumbalik ng iyong mga relasyon at pagdarasal para sa mundong ating pinamumuhayan, gamit ang mahahalagang karunungan mula sa mga kawikaan ng Aprika upang matulungan tayong matuklasan ang tunay na kapayapaan ng Diyos.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Kabalisahan

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago

Palugit Upang Huminga

Ang Plano ng Diyos sa Iyong Buhay

Asin at Liwanag

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
