Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagod na Mundo ay Nagagalak — isang Plano sa Pagbasa ng Muling PagdatingHalimbawa

A Weary World Rejoices — an Advent Reading Plan

ARAW 7 NG 28

Sa loob ng libo-libong taon ang sangkatauhan ay naghintay sa pagdating ni Cristo; inaasam nila na dumating ang Kanilang Hari at palayain sila mula sa pang-aapi, Ang Biblia ay puno ng Kasulatan na direktang tumuturo sa Kanya na magliligtas sa sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan.

Nang inilarawan ni Isaias (Isaias 9) ang Kanyang pagdating, inilarawan niya ang Kanyang pagdating bilang isang sanggol. Ngunit ang batang ito ay lalaki at magtatatag ng isang Kaharian ng katuwiran magpakailanman. Kapag ipinagdiriwang natin ang Pasko, ipinagdiriwang natin ang sandali ng kasaysayan na ito at ang lahat ng hula ay natupad. Ang Diyos ay dumating upang makasama natin...kusang loob at may pagmamahal.

Ngunit ito ay higit pa sa kapanganakan—ito ay pag-asa. Ito ay isang dahilan para sa pagdiriwang. Dahil nang si Jesus ay dumating, iniwanan Niya rin tayo ng regalo ng kaligtasan. Ang Kanyang kapanganakan ay makahulugan dahil sa Kanyang kamatayan. Sa loob ng tatlumpu't tatlong taon si Jesus ay namuhay nang walang kasalanan upang Siya ay maging isang perpektong sakripisyong tupa para sa pagbabayad ng ating mga kasalanan. Sa Kalbaryo, binayaran ni Cristo ang halaga at napagtagumpayan ang kamatayan upang tayo ay magkaroon ng tagumpay laban sa kasalanan at kahatulan. Kaya, nang ang pinakamahalagang sanggol ay isinilang at inilagay sa sabsaban, ito ay hindi lamang isa pang kapanganakan. Ito ay ang simula ng plano ng pagtubos ng Diyos sa sangkatauhan. Isang pagkilos na hindi Niya kailangang maging bahagi ngunit pinili Niya dahil sa pag-ibig. Hallelujah!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

A Weary World Rejoices — an Advent Reading Plan

Huwag mawala ang iyong pagtutuon sa dahilanan ng Kapaskuhan—si Jesus. Ang pagdiriwang ng Adbiyento ay isang magandang paraan upang panatilihing sentro si Cristo ng okasyon at sa planong ito sa pagbabasa, maglalakbay ka sa Banal na Kasulatan upang sambahin ang ating Hari na may mga araw-araw na pagbabasa ng Biblia at mga debosyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.brittanyrust.com