Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagod na Mundo ay Nagagalak — isang Plano sa Pagbasa ng Muling PagdatingHalimbawa

A Weary World Rejoices — an Advent Reading Plan

ARAW 1 NG 28

Si Isaias ay nagbigay ng isang hula ng Tagapagligtas na darating at maghahari sa lupa. Nakakakuha tayo ng maganda at makapangyarihang sulyap sa pagdating na ito, at ito ay may masidhing pananabik na ang mga tao ay naghihintay sa sandaling ito. Ito ang kaganapang kanilang inaasam.

>Sa maikling talata na ito, maraming mga bagay tungkol sa Mesias ang inilarawan.

  • >Isisilang ang isang bata. Ang Mesias ay isisilang sa bayan ng Israel. Ang isang batang lalaki ay nagkatawang tao. (Isaias 7:14, isang bata ay isisilang ng isang birhen at Siya ay tatawaging Immanuel, "kasama natin ang Diyos.").
  • Ang pamamahala ay maaatang sa Kanyang balikat. Siya ay maghahari sa buong Israel at sa mundo magpakailanman. Ang Kanyang awtoridad ay itatatag na higit sa lahat.
  • Siya sa Kanyang bayan ay magiging:>:Isang Kahanga-hangang Tagapayo - Lubos na nalalaman ang mga gawain ng Diyos at ang puso ng bawat tao. Siya ang karunungan ng Diyos at nangungusap sa sangkatauhan.
    Isang Makapangyarihang Diyos - Hindi lamang Siya magiging tao ngunit Siya ay magiging ganap na Diyos, makapangyarihang nagliligtas.
    Isang Walang Hanggang Ama - Siya ang may-akda ng buhay at taga-disenyo ng sansinukob.
    Ang Prinsipe ng Kapayapaan - Itinatag Niya ang kapayapaan sa lupa at sa ating mga puso.
  • Siya ay maghahari sa trono ni David. Itinatag mula sa lahi ni David, minsang naging hari at isang hula sa Kanyang lahi bilang tao.
  • Siya ay magkakaroon ng kasigasigan ng Diyos na Makapangyarihan. Ang kasigasigan ay nananaig sa lahat ng bagay at ang lahat ng bagay ay nakasalalay sa Diyos.

May panahon noon nang ang mga tao ay nakapakinig ng hulang ito at pinanghawakan ito nang mabuti, umaasa at nananalangin na ito ay darating kaagad. Nararanasan natin ang katuparang ito sa kabilang dako at iyan ang kahulugan ng Pasko—ipinagdiriwang ang pagdating na nangyari na. Ipinagdiriwang ang sandali na si Cristo ay dumating sa mundo upang iligtas ang sangkatauhan.

Handa ka na bang ihanda ang iyong puso? Handa nang ipagdiwang si Jesus?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

A Weary World Rejoices — an Advent Reading Plan

Huwag mawala ang iyong pagtutuon sa dahilanan ng Kapaskuhan—si Jesus. Ang pagdiriwang ng Adbiyento ay isang magandang paraan upang panatilihing sentro si Cristo ng okasyon at sa planong ito sa pagbabasa, maglalakbay ka sa Banal na Kasulatan upang sambahin ang ating Hari na may mga araw-araw na pagbabasa ng Biblia at mga debosyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.brittanyrust.com