Ang Pagod na Mundo ay Nagagalak — isang Plano sa Pagbasa ng Muling PagdatingHalimbawa

Dumating na ang oras—isinilang ang Tagapagligtas! Ang dahilan kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko! Ngunit hindi ito ang eksaktong paraang inakala ng marami kung paano darating ang Mesias.
Si Jose ay mula sa lahi ni David at ayon sa isang kautusan, nangangahulugan ito na si Jose at ang kanyang pamilya ay kailangang maglakbay sa Bethlehem para sa isang sensus. At kahit na hindi ito akma sa inaasahan ng tao, naisakatuparan nito ang hula na ang Tagapagligtas ay isisilang sa Bethlehem (Mikas 5:2).
Subalit, nang si Jose at ang kagampan na si Maria ay dumating, wala nang natitirang silid sa bayan. Ang natitira ay isang sabsaban sa isang kuwadra. Isang hamak na lugar para sa kapanganakan ni Jesus.
Maaari naman sanang itakda ng Diyos na ipanganak si Jesus sa isang palasyo—o kahit papaano sa isang magandang kama. Ngunit hindi Niya ginawa iyon. Sa halip, ipinadala ng Ama ang Kanyang bugtong na anak sa pinakamababang kalagayan. Marahil upang ipahiwatig na ang lahat ng gagawin ni Jesus ay makikita sa pagpapakumbaba. Si Jesus ay laging lalabag sa inaasahan ng tao.
Tandaan na ang Diyos na ating pinaglilingkuran ay mapagpakumbaba at mababang puso. Ngunit tandaan din natin na kaya Niya at gustong gawin ang mga bagay na higit na kakaiba sa maari mong isipin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Huwag mawala ang iyong pagtutuon sa dahilanan ng Kapaskuhan—si Jesus. Ang pagdiriwang ng Adbiyento ay isang magandang paraan upang panatilihing sentro si Cristo ng okasyon at sa planong ito sa pagbabasa, maglalakbay ka sa Banal na Kasulatan upang sambahin ang ating Hari na may mga araw-araw na pagbabasa ng Biblia at mga debosyon.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Prayer

Sa Paghihirap…

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Masayahin ang ating Panginoon

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Ang Kahariang Bali-baliktad

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Mag One-on-One with God
