Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2

ARAW 3 NG 7

Pananampalataya at Kaligayahan

At ang bunga ng katuwiran ay ang mabuting kalagayan, kapayapaan, at kapanatagan magpakailanman.

(Isaiah 32:17)

Sa kanyang debosyonal noong Enero 15, 2013, sinabi ni David Jeremiah, “Ayon sa isang artikulo sa Talaan ng Relihiyon at Kalusugan, ang mga taong regular na nagsisimba ay 56% na mas malamang na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay at mas mababa sa 27% ang malamang na lumubog sa depresyon. Ang pag-aaral na ito ay batay sa isang talaan na nakuha mula sa halos 100,000 kababaihan na bahagyang pinondohan ng Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Estados Unidos.

Isipin mo! Ang pananaliksik na pinondohan ng gobyerno ng US ay nagpapakita na ang mga nagsisimba ay mas masaya, mas optimistiko, at hindi gaanong nalulumbay kaysa sa mga taong hindi nagsisimba. Mapapatunayan namin ito nang hindi gumagastos ng isang sentimos. Ang kagalakan ay agad na makikita sa isang pusong puno ng mga pagpapala ng Diyos.

Ang Diyos ay maraming katangian: pag-ibig, katarungan, nasa lahat Siya ng dako, at marami pa—ngunit kabilang sa Kanyang mga katangian ay ang walang hanggang kagalakan. Ang Panginoon ay isang Diyos na nagagalak. Kapag inaalala natin ang Kanyang mga himala at mamuhay ng katulad Niya, magiging mas optimistiko ang ating buhay kapag sinabi nating, “Masdan, Siya ang ating Panginoon. Maging masaya tayo at magalak sa Kanyang pagliligtas.”

Pagninilay: Isa sa mga dakilang kaloob na ibinigay ng Panginoong Hesus sa atin bilang Kanyang mga anak ay ang garantiya ng Kanyang presensya at tulong sa lahat ng oras. Dahil Siya ay isang Diyos ng pag-ibig, Siya rin ay isang Diyos na nagmamalasakit kahit sa bawat detalye ng ating buhay. Kaya, kapag lalo natin Siyang hinahanap, lalo pang malilimliman ng Kanyang kapayapaan ang ating paglalakbay sa buhay.

Binibigyan ka ng Diyos ng magagandang bagay upang ipakita sa mundo na ikaw ay isang taong tumatamasa ng mga pagpapala ng Diyos at patuloy na naghahanap ng mas malalim pang relasyon sa Kanya.

(Anonymous)

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2

Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay i...

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya