Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2

ARAW 2 NG 7

Ang ekslamasyong Halleluyah

Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihin sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan, 18 magagalak pa rin ako dahil ang Panginoong Dios ang nagliligtas sa akin. (Habakkuk 3:17-18)

Ang obra maestra ni Handel, “Ang Tagapagligtas”, ay nagbigay inspirasyon sa milyun-milyong tao sa isang buong siglo. Gayunpaman, kakaunti ang nakakaalam na si George Frederick Handel ang gumawa ng kanta sa loob ng halos tatlong linggo. Ang awitin ay parang lumilipad sa kanya na may mga napakabilis na nota at disenyo. Nilikha niya ang awitin na para bang mayroong hindi nakikitang Kumakatha ng tugtugin.

Kakaunting tao lamang ang nakaaalam na nang likhain ni Handel ang awitin ay noong panahon na unti unti nang nanlalabo ang kanyang paningin at noong panahong iyon na kumakaharap siya sa pagkabilanggo dahil sa lumampas niyang bayarin mula sa mga maniningil ng buwis. Mahirap para sa maraming tao na makalikha ng anuman kung sila ay nasa matinding kalagayan, lalo na kung ang pinagmumulan nito ay problema sa pananalapi o pisikal na problema. Ngunit nagawa ni Handel na malampasan ito.

Itinuring niya ang pagkakumpleto ng kanyang obra maesta sa isang bagay: kagalakan. Nabanggit na si Handel ay nakadama ng matinding kagalakan, pakiramdam niya ay sasabog sa tuwa ang kanyang puso dahil sa naririnig niya sa kanyang isipan at puso. Isang kagalakan na nagdulot sa kanya na magsulat, lumikha ng isang bagay, at sa wakas, natagpuan niya ang pagpapahayag sa kantang Hallelujah.

Naabutan pa ni Handel ng buhay at nakita pa niya ang resulta ng kanyang awit na naging natatanging tradisyon. Natuwa siya nang makitang naka-display ang kanyang obra para makalikom ng pondo para sa kawang-gawa.

Kapag umaapaw ang kagalakan, nahahayag si Jesu-Kristo.

Pagninilay: Ang kagalakan ay ang walang limitasyong kapangyarihan na ipinagkaloob ng Diyos sa buhay ng tao upang makita natin ang isang imposible na maging pag-asa. Idinisenyo ng Diyos ang kagalakan upang ang mga tao ay magkaroon pa rin ng lakas na mabuhay sa anumang sitwasyon

Huwag hayaang ang iyong mga kabiguan sa buhay ang bumigo at mag-alis ng galak bilang anak ng Diyos. Hayaang punuin ka ng Espiritu ng Panginoon ng kagalakan.

(Henry Blackaby)

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2

Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay i...

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya