Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Buhay na May IntegridadHalimbawa

A Life Of Integrity

ARAW 2 NG 4

"Ang Daan Tungo sa Integridad"



Tanging ang Espiritu ng Diyos ang makakapaglikha sa atin ng integridad, ngunit kaya itong nakawin ng kahit na anong bagay sa mundo. Ang mga tao at sitwasyon, sinasadya man o hindi, ay dudungis at kokompromiso ng ating integridad. Hindi tayo ipinanganak ng may pusong may integridad, at kung nais natin ito, kailangan natin itong ipaglaban.



Kung nais nating ipaglaban ang matatag na integridad, kailangan natin ng matalik na pagkakilala, pagkaunawa, at pag-ibig sa katotohanan ng Diyos. Ang katotohanang ito ang lilinang ng karunungan sa ating buhay at tutulong na mabatid at maisagawa natin ang mga pamantayan at hangganang bumubuo ng isang pusong may integridad.



Ang ipaglaban ay nangangahulugan din na palibutan ang ating mga sarili ng mga taong laging nakabantay at may karapatang panagutin tayo.

Dumadami ang kasalanan sa katahimikan at nagmimistulang mas maliit kung walang taong pananagutan. Mas malamang tayong magpapatuloy sa pagkokompromiso kung walang nagmamalasakit o makakaalam sa ginagawa natin. Ang pananagutan ay mahirap, ngunit isang mahalagang sangkap sa pagiging responsable para sa ating mga gawa at salita.



Ang paglaban para sa integridad ay magpapalakas sa atin na kayaning harapin at baguhin ang mga balakid na patuloy na gumigipit sa atin na ikompromiso ang katotohan ng Diyos. Mas magiging madali ang hindi mangako nang labis, magpalit ng trabaho o maghanap ng mga bagong kaibigan.



Ang paglaban ay hindi nangangahulugan na tayo ay magiging perpekto. Lahat tayo ay bumabagsak. Lahat tayo ay nagkakamali. Kahit gaano pa ang integridad natin, hindi tayo kahit kailan magiging perpekto. Ito ay lalong totoo sa mga panahon ng pangamba, sakuna, at kaguluhan kung kailan mas malaki ang tukso na pumili ng mali. Ang susi ay ang maging responsable para sa iyong mga gawa at pag-ako sa iyong mga pagkakamali. Ang pagkakaroon ng pusong may integridad ay makakatulong sa atin na kilalanin ang ating mga pagkakamali at umabot sa kagandahang-loob at kapatawaran ng Diyos.



Ang integridad ay hindi isang bagay na mayroon o wala ka; ito ay isang uri ng pamumuhay na kailangan nating sadyaing pagsumikapan. Sadyaing pagsumikapan ang katotohan at karunungan ng Diyos. Labanan ang lahat ng lumilihis sa at nagnanakaw ng ating integridad. Ipasyang habulin ang mga bagay na mahalaga.
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

A Life Of Integrity

Sinasabi mo ba ang ibig mong sabihin at tapat ka ba sa iyong sinasabi? Naaayon ba sa iyong mga gawa at salita sa iyong mga sinasabi at paniniwala? Sa kasalukuyang lipunan, mahirap mamuhay nang may integridad. Ang gabay n...

More

Nais naming pasalamatan si Markey Motsinger sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: markeymotsinger.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya