Ruth, Kuwento ng PagtubosHalimbawa

Ang Pangwakas ng Diyos
Ang ikaapat na kabanata ay nagsisimula kay Boaz na nasa pasukan, sa gitna ng bayan. Nandito siya dahil gusto niyang pakasalan si Ruth at hinahanap niya ang kanyang mga kamag-anak na manunubos. Ang pinakamalapit na buhay na kamag-anak nina Ruth at Naomi ay isang lalaking hindi natin kilala, gayunpaman, marami tayong matututuhan tungkol sa kanyang pagkatao sa pamamagitan lamang ng maikling talatang ito.
Alam naman nating obligado ang lalaking ito na alagaan ang dalawang babae, ngunit ni minsan ay hindi siya nag-alok ng anumang tulong sa kanila. Higit pa riyan, nang tanungin ni Boaz ang lalaki kung gusto niyang tubusin si Ruth, tumanggi siyang gawin iyon. Ito ay isang taong walang integridad at karakter, lalo na kung ihahambing kay Boaz.
Si Boaz ay gumawa ng isang legal na transaksyon sa kamag-anak na ito upang magkaroon ng karapatan sa pagtubos kay Ruth upang mapangasawa niya ito. Wala siyang legal na obligasyon na gumawa ng anuman para kay Ruth, gayunpaman wala siyang ginawa kundi alagaan siya sa buong aklat. Si Boaz ay nagpaabot ng biyaya tulad ng pagpapala ni Jesus sa atin.
Sapat na sa atin ang biyaya ng Diyos. Tayo ay tinubos ni Jesu-Cristo, mga dayuhang hindi karapat-dapat ngunit binigyan ng mga karapatan ng isang tagapagmana. Ngayon habang tinutubos ni Jesus ang kanyang pakakasalan (ang Simbahan), tinubos ni Boaz ang kanyang pakakasalan (si Ruth). Pinakasalan niya ito at siya'y naglihi.
Kapansin-pansin, si Ruth ay hindi nagbuntis sa kanyang nakaraang kasal ng sampung taon. Maaari nating ipagpalagay na siya ay baog sa panahong iyon, gayunpaman, binuksan ng Diyos ang kanyang sinapupunan sa panahong ito upang manganak. Nangyari ito nang isilang niya ang isang batang lalaki na nagngangalang Obed, na naging lolo ng dakilang Haring David.
Gusto kong ibigay ang isa pang larawan ng biyaya at soberanya ng Diyos sa pamamagitan ng kapanganakan ng batang ito. Si Ruth ay isang Moabita; isang dayuhang walang karapatan. Gayunpaman, sa pamamagitan ng biyaya at pagtubos, siya ay naging bahagi ng talaangkanan ni Cristo. Isang kamangha-manghang kuwento!
Hindi naging madali ang buhay para kay Ruth. Lumaki siya sa isang masamang bansa. Naranasan niya ang pagkawala ng kanyang asawa. Sinundan niya si Naomi sa ibang bansa at namuhay sa kahirapan. Masasabing ang lahat ng ito'y napakahirap na mga pangyayari.
Gayunpaman, tulad ng nabanggit ko sa simula ng seryeng ito, makikita natin ang kamay ng Diyos sa buong kuwento ni Ruth at walang duda na Siya ay gumawa sa buong panahon. Ito ay isang mahaba at mahirap na paglalakbay, ngunit nagtapos ito sa pagtubos. Si Ruth ay nagsimulang walang laman, ngunit natapos siyang puno!
Nasaang panahon ka man ngayon, tandaan na ang Diyos ay kumikilos sa iyong buhay. Siya ay naghahabi ng magandang mensahe; hindi pa tapos, pero nagpapatuloy. Alamin na ang Diyos ay mapagbiyaya, mabuti, at mahal ka Niya. Kung pinanghihinaan ka ng loob sa paglalakbay na ito, tingnan muli ang buhay ni Ruth at tandaan na gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng Kanyang mga nilalang.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isa si Ruth sa mga tauhan ng Biblia na maaari natin iugnay sa ating sarili; isang mahirap, biyudang dayuhan na ginawang prayoridad ang Diyos at nakita kung paano nito baguhin ang kanyang buhay. Kung naghahanap ka ng paghuhugutan ng lakas sa iyong sitwasyon ngayon, huwag kaligtaan ang babasahing gabay na ito!
More
Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: brittanyrust.com