Ruth, Kuwento ng PagtubosHalimbawa

Namumukod Tangi
Ngayon, nagsisimula nating makita ang paglalaan at plano ng Diyos na kumikilos habang sinisimulan ni Ruth ang kanyang bagong buhay sa Bethlehem. Naiisip mo ba na paano kung ikaw ang nasa kalagayan niya? Siya ay isang balo mula sa ibang bansang hindi iginagalang. Siya ay isang bagong mananampalataya pa lamang. Lahat ay bago at hindi pamilyar sa kanya. Sigurado akong nakararanas pa rin siya ng kalungkutan sa pagkawala ng kanyang asawa. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito at sa kabila ng bawat emosyon, mahigpit niyang pinanghawakan ang tiwala niya sa Diyos.
Sa simula ng ika-2 kabanata, nagkusa si Ruth na pumunta sa isang bukid at mamulot para may makain sila. Ayon sa batas ng Levitico (Levitico 19), ang mga nag-aani ay inuutusang huwag pulutin ang lahat ng ani sa bukirin, kundi iwanan ang mga nasa sulok para sa mahihirap. Hindi lamang lumabas si Ruth upang gawin ang mahirap na trabaho ng pamumulot ng mga tira, kundi ito ay pagpapakumbaba.
Dumating si Boaz, ang manunubos! Sinasagisag ni Boaz sa buong aklat na ito si Jesu-Cristo, ang ating Manunubos. Isang magandang larawan ni Jesus na dinadala ang makasalanan sa Kanyang mapagmahal na mga bisig. Kaya sino ang lalaking ito na nagngangalang Boaz? Alam nating kamag-anak siya ni Naomi. Alam natin na isa siyang mas nakatatandang lalaking mayaman at may katayuan sa pamayanan. Ang kanyang pangalan ay literal na nangangahulugang "lakas." Alam nating maganda ang pakikitungo niya sa kanyang mga empleyado at mabait sa mga estranghero. Higit sa lahat, alam natin na siya ay isang taong naniniwala sa Diyos.
Matapos makita ni Boaz si Ruth sa kanyang bukid at magtanong tungkol sa kanya, sinabi niya kay Ruth na manatili sa kanyang bukid at masisiguro niyang siya ay aalagaan. Sa gayong magiliw na alok, lumuhod si Ruth sa lupa at nagtanong kung bakit ipinakita sa kanya ni Boaz ang gayong kabaitan. Tandaan, si Ruth ay isang Moabita, ngunit si Boaz ay nag-iiwan ng mga mapupulot para sa kanya.
Sa tanong niya tungkol sa ganitong kabaitan, nagbigay ng magandang pahayag si Boaz. Hindi lamang nakita ni Boaz ang kagandahan at pagkatao ni Ruth, nagbigay rin siya ng isang pagpapala sa kanya.
Nais ng Diyos na kunin tayong lahat - ang dayuhan, ang dukha, ang malungkot, ang bigo, ang may kapaitan, lahat tayo - sa ilalim ng Kanyang mga pakpak. Nais Niyang protektahan at bigyan KA ng kanlungan. Para bigyan ka ng ginhawa at saya. Ang pagnanais ni Boaz kay Ruth ay isang larawan ng pagnanais ng Diyos para sa atin. Na tayong lahat ay makatagpo ng kapahingahan at kanlungan sa lilim ng Kanyang mga pakpak. Nais ng Diyos na protektahan ka at pahintulutan kang lumago ayon sa idinisenyo Niya para sa iyo.
Nang umuwi si Ruth kay Naomi, bumalik siya na may dalang pagkaing higit kaysa sa inaakala niya. Naniniwala ang ilang iskolar na umalis si Ruth na may sapat na pagkain sa loob ng isang taon! Kaibigan, maaring naghahanap ka ngayon ng tira-tirang pag-asa o kagalingan, ngunit nais ng Diyos na bigyan ka ng higit pa! Asahan ang Diyos na maglalaan para sa iyo ng higit sa kung ano ang maaari mong asahan o isipin!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isa si Ruth sa mga tauhan ng Biblia na maaari natin iugnay sa ating sarili; isang mahirap, biyudang dayuhan na ginawang prayoridad ang Diyos at nakita kung paano nito baguhin ang kanyang buhay. Kung naghahanap ka ng paghuhugutan ng lakas sa iyong sitwasyon ngayon, huwag kaligtaan ang babasahing gabay na ito!
More
Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: brittanyrust.com