Ruth, Kuwento ng PagtubosHalimbawa

Pagbabalik sa Naglalaan
Nakapagpapalakas ng loob na malaman na ang Diyos ay para sa atin, Siya ay nasa ating panig, at mahal Niya tayo. Sa lahat ng ito, gaano man kahirap ang ating nadarama o ang panghihina ng loob sa buhay, nananatili ang katotohanan na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
Iilang mga kuwento lamang ang nagbigay ng larawang ito nang mas mahusay kaysa sa kasaysayan nina Naomi at Ruth. Ngayon ay nakita natin silang parehong balo; dalawang babaeng nagluluksa sa pagkawala ng mga lalaking mahal nila, nag-iisa sa isang masamang bansa. Gayunpaman, ang mga bagay ay malapit nang magbago sa kanilang buhay. Isang araw ay nabalitaan ni Naomi na ang pabor ng Diyos ay bumalik sa Bethlehem at ang pagkain ay makukuha muli sa "bahay ng tinapay." Agad-agad, nagpasya si Naomi na bumalik sa kanyang tahanan at sa kanyang mga kababayan.
Noong una, kapwa nagpasiya sina Orpa at Ruth na maglakbay sa Bethlehem kasama si Naomi. Habang hindi pa sila nakakalayo sa kanilang paglalakbay, si Naomi ay tila nagbago ang isip tungkol sa kanyang mga kasama. Sa pagpupumilit ni Naomi, bumalik si Orpa sa Moab. Si Ruth ay gumawa ng ibang pagpili. Nagpasiya siyang sumunod sa Diyos at nakita natin ang isang tunay na pagbabagong-loob sa daan patungo sa Bethlehem.
Nagpatuloy ang dalawang babae sa kanilang paglalakbay hanggang sa makarating sila sa Bethlehem. Nang ginawa nila ito, sinasabi ng Biblia na ang buong bayan ay nagulo. Mukhang kilala si Naomi at ang kanyang pamilya doon. Sa pagdating ni Naomi, ang mga kababaihan ng bayan ay nabalisa sa kanyang pagbabalik.
Nang hinarap siya tungkol sa kanyang pagkakakilanlan, hiniling ni Naomi sa mga kababaihan ng bayan na huwag na siyang tawaging Naomi (kaaya-aya), kundi tawagin siyang Mara (mapait). Naramdaman mo na ba ang maging tulad ni Naomi, dating puno ngunit ngayon ay hungkag? Sa mga sandaling iyon kung kailan ang isang bagay na mahalaga ay nawala at nakadarama tayo ng kahinaan at galit. Maaaring likas ang magalit; kailangan lang nating siguraduhin na ang galit ay hindi mauuwi sa pait.
Masasabi kong nagustuhan ko ang ginawa ni Naomi sa kuwentong ito. Hindi siya bumalik at nagpanggap; bumalik siya sa kanyang bayan at siya'y nagpakatotoo. Nawa'y maging handa tayong lahat na maging tapat sa mga taong nakapaligid sa atin sa ating mga pakikibaka at umamin kapag kailangan natin ng pampatibay-loob. Ang pagkakaroon ng komunidad ng mga mananampalataya sa paligid mo sa mahihirap na panahon ay susi sa proseso ng pagpapagaling.
Si Ruth at Naomi ay bumalik sa bahay ng tinapay sa simula ng pag-aani ng sebada. Pagkakataon? Sa tingin ko'y hindi. Isang hindi nakikitang puwersa ang kumikilos at ang dalawang babaeng ito ay malapit nang makita ang Diyos na gumagawa ng mga dakila at kamangha-manghang bagay na hindi pa nila nakikita sa panahong ito.
Nais kitang hikayatin ngayon na magtiwalang ang Diyos ay gumagawa. Alamin na ang Kanyang plano ay nagpapatuloy at ikaw ay nasa Kanyang paningin. Hindi ka Niya nakakalimutan, at walang makakapigil sa Kanyang mahalin ka. Kung nahihirapan ka o pakiramdam mo'y nag-iisa ka, huwag matakot na makipag-ugnayan sa mga maka-Diyos na taong nakapaligid sa iyo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isa si Ruth sa mga tauhan ng Biblia na maaari natin iugnay sa ating sarili; isang mahirap, biyudang dayuhan na ginawang prayoridad ang Diyos at nakita kung paano nito baguhin ang kanyang buhay. Kung naghahanap ka ng paghuhugutan ng lakas sa iyong sitwasyon ngayon, huwag kaligtaan ang babasahing gabay na ito!
More
Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: brittanyrust.com