Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa

The Final Lessons: A Holy Week Plan

ARAW 6 NG 10

"Kagalakan at Kapayapaan"

Sa kalendaryong pangrelihiyon, ngayon ay Huwebes Santo—ang araw kung kailan ating ipinagdiriwang ang mga kaganapang nangyari sa huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga alagad. Ilang araw na tayong nasa paligid ng mesa.

Pag-isipan mo ang ilan sa mga bagay na ating nabasa na nangyari sa paligid ng mesang ito. Alin ang naging pinakamakabuluhan sa iyo?

Patuloy nating pakinggan ang mga huling bagay na sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad.

Basahin ang Juan 16:16-33.

Kung minsan, ako'y nalilito rin tulad ng mga alagad kapag binabasa ko ang mga salita ni Jesus. Kinakailangan kong maging mabagal hanggang sa maging mas malinaw sa akin ang Kanyang punto.

Habang binabasa mo ang taludtod na ito, ano ang dalawang pangunahing bagay na sinabi ni Jesus na makakamtan natin sa Kanya?

Naalala ko noong bago akong Cristiano, ang mga tao ay nag-uusap tungkol dito sa kapayapaan at kagalakan na makakamtan natin sa Panginoon na para bang sinisikap nilang maisarado na ang kasunduan tungkol sa aking kaligtasan. Nalilito ako sa nakikita kong kapayapaan at kagalakan sa maraming mga taga-sunod ni Cristo—para bang ito'y pilit, halos parang gawa-gawa lamang.

Nang ako'y maging Cristiano napagtanto kong ito nga ay isang maskara na inaakala nilang kailangan nilang ilagay. Dahil sa kaalamang kinakailangang may kapayapaan at kaligayahan tayo kay Cristo, sinusuot natin ang ngiti sa ating mga mukha, nagtataas tayo ng kamay sa pagpupuri at sumasagot tayo ng "Ako'y pinagpala." Walang lugar upang maghimagsik.

Sa taludtod na ito, malinaw na sinabi ni Jesus na dadaan tayo sa mga panahon ng kahirapan, na tayo ay magkakaroon ng pagpupunyagi. Hindi maiiwasan ang mga bagay na iyon. May napakalaking kalayaan sa pagkatanto ko nito. Walang sinumang mayroon na ng lahat-lahat; walang sinumang buhay ang perpekto. Subalit, "iyan ay mapapalitan ng kagalakan." (berso 20) at "kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin" (berso 33).

Bkit magiging kagalakan ang ating pagdadalamhati at paano tayo makakatagpo ng kapayapaan? (Muling basahin ang berso 33)

Anong kagalakan! Anong kapayapaan! Si JesuCristo, ang ating Manunubos, ang nagsabing napagtagumpayan Niya ang mundo!

Ang kapayapaang Kanyang ibinibigay ay ipinaliwanag sa Juan 14:27, "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo." Ang kapayapaan ng Diyos ay lubhang naiiba sa ipinapakita ng mundo. Sa bersikulong ito, sinasabi ni Jesus na ang kapayapaan ay matatagpuan sa Banal na Espiritu.

Ang aking hamon sa iyo ngayon ay tanging Siya lamang ang hanapin upang makatagpo ng kapayapaan sa anumang pagsubok na kinakaharap. Hanapin ang kagalakan sa Kanya. Ito'y matatagpuan mo. Ang sabi ni Jesus sa Juan 16:24, "Humingi kayo, at kayo'y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan.”

Hayaan mong ang awit ni Kari Jobe na "Here" ang siyang maghugas sa iyo bilang isang panalangin mula sa isang kaibigan.
https://www.youtube.com/watch?v=YqnBvUiAGsI

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

The Final Lessons: A Holy Week Plan

Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bag...

More

Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya