Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa

The Final Lessons: A Holy Week Plan

ARAW 10 NG 10

"Isa pang Pagkakataon"

Ang ating kuwento at pagdiriwang ay hindi natatapos sa Linggo ng Pagkabuhay. Iyan ang problema sa mga pagdiriwang, magpapatuloy tayo sa susunod na araw sa totoong mundo at pagkatapos ay maiiwanan tayo ng hamog na katanungan na “Pero ano na ngayon?” Ang araw na ito ay tungkol sa ating paghayo sa ating paniniwala na pinagtagumpayan na ni Jesus ang sumpa ng kasalanan; at binigyan tayo ng bagong buhay sa pamamagitan Niya.


Naaalala mo ba si Pedro? Sa simula ng linggong ito, nabasa natin ang kanyang pagkakanulo kay Jesus nang itanggi Siya nito ng tatlong beses. Ngayon makikita natin siya at si Jesus na muli.

Basahin Juan 21:15-19.

Tinatanong ni Jesus si Pedro tungkol sa pagmamahal niya. Sa palagay ko ang tanong ay hindi para kay Jesus kundi para kay Pedro. Sa aking palagay, binibigyan ni Jesus ng pagkakataon si Pedro, tatlong beses, upang patunayan ang kanyang pag-ibig kay Cristo. Tatlong beses na sumagot si Jesus sa kung paano maipapakita ni Pedro ang kanyang pagmamahal sa Kanya: “Pakainin mo ang aking mga tupa,” “alagaan mo ang aking mga tupa,” at “pakainin mo ang aking mga tupa.”

Ang paraan para ipakita at sabihin natin kay Jesus ang ating pag-ibig sa Kanya ay hindi sa pamamagitan ng mga salita. Kahit sino ay maaaring magsuot ng kuwintas na krus, i-tsek na siya ay Cristiano sa kanyang Facebook profile, o sumamba kapag Linggo. Sinabi ni Jesus na ang ibigin Siya ay nangangailangan na alagaan ang kanyang mga tupa (tao).

Hindi Niya hiniling kay Pedro na mahalin lamang ang kanyang mga tao; binigyan Niya siya ng isa pang tagubilin.

Basahin muli Juan 21:19.

Sinabi Niya kay Pedro na sumunod sa Kanya. Isang napakagandang larawan ni Jesus bilang ating Tagapagligtas. Hindi na mahalaga na inalis ni Pedro ang kanyang pagkakatingin kay Jesus nang lumakad siya sa tubig. Hindi na mahalagang itinanggi ni Pedro si Cristo, nang hindi lamang isang beses kundi tatlo. Inimbitahan ni Jeus si Pedro na muling sumunod sa Kanya.

“Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap. Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.”
-Jesus (Juan 10:10-11)

Alam ni Jesus ang lahat tungkol sa iyo—lahat ng mga bagay na ninakaw at pinatay at sinira ng magnanakaw (satanas) sa iyong buhay—sa kabila ng lahat, mahal ka ni Jesus at hinahangad Niya ang masaganang buhay para sa iyo.


Maganda ka dahil sa Kanyang pagibig—Kanyang buhay, kamatayan at pagkabuhay na muli! Humayo at mamuhay ng buhay na masagana alinsunod kay Jesus at nagmamahal ng Kanyang mga tupa!

Banal na Kasulatan

Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

The Final Lessons: A Holy Week Plan

Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bag...

More

Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya