Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga EmosyonHalimbawa

Emotions

ARAW 7 NG 7

Dinadamayan Tayo ni Jesus sa Ating Mga Emosyon 



Ang ating pananampalataya at mga damdamin ay hindi magkahiwalay. Sila ay magkadugtong, iniimpluwensyahan ang isa't-isa habang sumusunod tayo kay Jesus. Kung hindi natin kikilalalanin ang ating mga damdamin, mawawala sa atin ang pagkakataong makita ang pagkatao ng Diyos bilang ating Mang-aaliw, Manunubos, Manggagamot, at Tagapagtanggol. Kung labis naman tayong umaasa sa ating mga damdamin, may panganib namang gumawa tayo ng hindi mabubuting pasya. 



Kaya, paano natin pagkakasunduin ang salungatang ito? Iniimbitahan natin ang Diyos at iba sa ating mga damdamin. Hindi natin sila itutulak palayo, at bagkus ay tatanungin natin sa Diyos kung ano ang nais Niyang ipahiwatig sa pamamagitan ng ating mga emosyon, batid na nagmamalasakit Siya sa atin patungkol sa ating sakit, gaano man ito kalaki o kaliit sa ating paningin. 



Kahanga-hanga si Jesus sa pagpapakita ng pakikiramay sa iba, at ang dami Niyang ipinakitang damdamin noong narito Siya sa mundo. 



Noong malapit nang ipako si Jesus sa krus, nagpakita Siya ng taimtim na habag para sa Kanyang ina, si Maria. Nakita Niya itong tumatangis at nagdadalamhati sa tabi ng Kanyang alagad, si Juan, kaya't bumaling Siya rito at sinabihang si Juan ay magiging anak para sa kanya. Alam ni Jesus na kailangan ng ina Niyang mangalaga at maalagaan, kung kaya't ang pagkalinga sa ina ang isa sa huling ginawa Niya dito sa lupa. Hindi balewala ang kanyang mga luha. Lubos na mahalaga ang mga ito—ganoon kahalaga na ang mga huling sandali Niya sa mundo ay iginugol Niya sa pag-aasikaso rito. 



Ganoon din kataimtim ang pagturing ni Jesus sa ating nararamdamang sakit. Makikita natin ito sa isa pang kuwento kung saan pinagaling ni Jesus ang isang babaeng dinudugo nang ilang taon na. Hindi siya mapagaling ng mga doktor, at naubos na rin ang kanyang salapi sa pagpapagamot ngunit wala pa ring pag-asang gagaling siya. Sa desperasyon hinipo niya ang damit ni Jesus, alam na ang isang hipo mula sa Kanya ay magpapagaling sa kanya.



Tumigil si Jesus sa ginagawa Niya upang hanapin ang babae at palakasin ang kanyang pananampalataya. Pinahintulutan Niya ang sakit na nararamdaman ng isang babae na itigil panandali ang trabahong ginagawa Niya para sa napakaraming nagsisiksikan. Taimtim Siyang nagmamalasakit para sa mga bagay na mahalaga sa atin. 



Maaaring desperado at nasiraan na ng loob ang babae. Ngunit inudyukan siya ng pananampalataya niyang lumapit kay Jesus, alam na Siya lang ang makakapagpagaling sa kanya. Kaya't, kapag nakakaranas tayo ng masasakit o nakakagalak na mga emosyon, tumakbo tayo pabalik sa Ama—ang Tanging makakapagpagaling ng bawat sakit. 



Hindi ang ating mga emosyon ang nagtatakda ng ating pananampalataya at hindi ang mga ito ang nagdidikta ng ating kinabukasan. Ngunit kung tama nating ituturing, ang mga emosyon natin ay maglalapit sa atin sa ating Manlilikha, pahihintulutan Siyang palakasin tayo, lumapit sa atin, at dalhin tayo.



Manalangin: O Diyos, salamat sa pagsasaalang-alang ng bawat emosyon na mayroon ako at pagpapakita ng pakikiramay sa lahat ng mga ito. Marami akong dala-dala na ____, ngunit alam kong nakikita Mo ito, pinagmamalasakitan ito, at kasama Kitang damhin ito. Ipakita sa aking ang itinuturo Mo sa akin sa pagdaan ng panahong ito sa aking mga emosyon, o Diyos. Tulungan akong lumapit sa Iyong dala ang lahat ng aking mga damdamin upang ang aking pananampaltaya ay mapalakas, at tulungan akong magpasya nang tama sa kabila ng aking nararamdaman. Sa pangalan ni Jesus, amen.


Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Emotions

Ang marami sa atin ay sinusubukang iwasan o huwag pansinin ang ating mga emosyon. Maaaring iniisip pa natin kung ang ating pananampalataya at mga emosyon ay magkalaban. Noong panahon ni Jesus dito sa lupa, lubos na nadam...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya