Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga EmosyonHalimbawa

Emotions

ARAW 4 NG 7

Ipinakita sa Atin ni Jesus Kung Ano ang Kagalakan



Ang karamihan sa atin ay naghahanap ng kasiyahan at umiiwas sa sakit. At bagama't wala namang masama sa pagiging masaya, ang pinakamahalaga nating pagkatawag ay hindi ang pagiging masaya. Ito'y ang pagiging banal—nakalaan sa Diyos. Kaya't kahit nakakatuksong maghangad ng kasiyahan, pinapangakuan tayo ni Jesus ng mas mainam pa rito. Kay Jesus, masusumpungan natin ang tunay na kagalakan. 



Tingnan natin ang pagkakaiba: 






Ang kasiyahan ay pabago-bago.



Ang kagalakan ay isang patuloy na pagpili.






Ang kasiyahan ay nakadepende sa mga panlabas na pangyayari.



Ang kagalakan ay nagmumula sa panloob na kapayapaan.







Ang kasiyahan ay isang damdamin. 



Ang kagalalakan ay bunga ng Espiritu. 






Ang kasiyahan ay patungkol sa akin. 



Ang kagalakan ay patungkol sa Espiritu na nananahan sa loob ko. 






Ang kasiyahan ay nagsasabing ang sakit ay isang problemang dapat iwasan. 



Ang kagalakan ay nagsasabing ang pagdurusa ay may mas mataas na layunin. 






Ang kasiyahan ay nagsasabing magiging okey na ako kapag bumuti-buti na ang mga bagay. 



Ang kagalakan ay nananatili dahil ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago. 






Kung naghahanap tayo ng isang masaya, walang-problemang buhay, labis tayong mabibigo. Ngunit makakasumpong tayo ng tunay na kagalakan kay Jesus.



Hindi ibig sabihin ng kagalakan ay wala nang sakit. Ibig sabihin nito ay maaaring magkasama ang sakit at kagalakan. Hindi na napapaalis ng kagalakan ang ating mga problema. Ito'y ang binibigyan tayo ng kagalakan ng bagong perspektibo patungkol sa sakit. 



Isipin na lang kung ilang ulit nababanggit sa Banal na Kasulatan ang kagalakan dahil may mahirap na sitwasyon—at hindi sa kabila nito: 



… Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos. Hebreo 12:1-2 RTPV05 



Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga.. Roma 5:3 RTPV05 



… magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Santiago 1:2 RTPV05 



Kapag nahihirapan tayong masumpungan ang kagalakan, tumuon tayo kay Jesus. Nakaranas Siya ng paghihirap tulad natin. Ngunit kusa Niyang tiniis ang pagdurusa dahil sa kagalakang lakip ng Kanyang layunin. 



Kapag dumaraan tayo sa mga pagsubok, maaari tayong magalak dahil magagawa nating mas makilala ang Diyos, umasa sa Diyos, magtiwala sa Diyos, at maging mas matalik ang relasyon sa Diyos. Hindi ibig sabihin nitong hindi na tayo maaari o kayang makakaramdam ng sakit, kalungkutan, o galit. Ngunit ang ibig sabihin nito ay magagawa nating maranasan ang dakilang kagalakan at matinding pagdurusa nang sabayan dahil sa patuloy na pag-asa at kagalakang mayroon tayo kay Jesus. 



Manalangin: Jesus, salamat sa pagbibigay Mo sa amin ng kagalakan at pagmomodelo ng kung ano ito. Tulungan akong makita ang kagalakan sa bawat problema at pagsubok na hinaharap ko—kahit na ito'y mapaghamon. Tulungan akong tumuon sa Iyo, pagtiisan ang pagdurusa dahil sa kagalakang lakip sa aking layunin. Nagtitiwala ako sa Iyo. Bigyan ako ng katatagan ng pananampalataya, lakas, at kagalakan habang pinagdadaanan ang araw na ito, at salamat sa pangakong sasamahan Mo ako anuman ang mangyari. Sa pangalan ni Jesus, amen.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Emotions

Ang marami sa atin ay sinusubukang iwasan o huwag pansinin ang ating mga emosyon. Maaaring iniisip pa natin kung ang ating pananampalataya at mga emosyon ay magkalaban. Noong panahon ni Jesus dito sa lupa, lubos na nadam...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya