Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga EmosyonHalimbawa

Emotions

ARAW 5 NG 7

Nagalit Nang May Katuwiran si Jesus 



Pinapayagan bang magalit ang mga Cristiano? Maaaring ipinagtaka mo na yan—lalo na noong pasiklab na ang galit mo. Ngunit ang mismong galit ay madalang na totoong problema. Ang reaksyon natin sa galit ang nagsasanhi ng gulo para sa atin. 



Si Jesus mismo ay nagalit. Kaya't ang pagiging galit ay hindi mali—lalo na kung ikaw ay nagagalit patungkol sa isang bagay na dumudurog sa puso ng Diyos. Kapag tayo ay namaltrato—o ang isang mahal natin ay na maltrato—ang galit ay isang natural na tugon. 



Ang Diyos ay matuwid na Diyos, at kahit hindi Siya madaling magalit, nagagalit pa rin Siya. 



Sa katunayan, madalas ipinakita ni Jesus ang matuwid na galit. Sa Mateo 21, makikita natin Siyang literal na ipinagtataob ang mga mesa matapos abusuhin ng mga tao ang templo at gawing lugar ng pangangalakal at pagbebenta ng mga hayop na iaalay. At ang galit ni Jesus ay makatuwiran. Kapag nakakakita tayo ng mga taong gumagawa ng mali sa iba, dapat tayong makaramdam ng matuwid na galit, at kumilos upang malunasan ito. 



Hindi ibig sabihin nitong maghiganti tayo. Hindi ibig sabihin nitong aasta tayo nang walang ingat o walang pagmamahal. Ang punto nitoay kapag nakakakita tayo ng kawalan ng katarungan, dapat nating ikagalit at ikadurog ng puso ito. 



Madalas, ang mga bagay na ikinakagalit natin ay nagpapakita ng mga bagay na malapit sa puso natin. Maaaring kung nakakakita ka ng mga batang lumalaki na walang magulang, nagbubunga ito ng matuwid na galit sa iyo, kaya't magpapasya kang mag-alaga ng mga ulila o maglingkod sa mga pamilyang nag-aalaga ng mga ulila. Maaaring hindi mo matiis na may mga taong walang Bibliang nakasalin sa kanilang wika, kaya't magbibigay ka sa ministeryo ng pagsasalin ng Biblia o mag-aaral ng proseso ng pagsasalin. Ano ang nagsasanhi sa iyo ng matuwid na galit? 



 Itinaob ni Jesus ang mga mesa upang buwagin ang korapsyon. Binawi Niya at pinanumbalik ang templo ng Diyos upang maparangalan ang Diyos. Ang Kanyang galit ay naghatid ng aksyon na nagdala ng karangalan sa Diyos. Kaya't sa iyong galit, huwag kang magkasala. Ngunit gawing maninidigan para sa tama.



Okey lang magalit. Ngunit kung nagagalit tayo, imbitahan natin ang Diyos sa sitwasyon. Maaaring may kailangang magbago, kaya't itaguyod natin ang adhikain. Maaaring tanda ito na tinatawag tayong maging kabahagi sa solusyon, kaya't hahanap tayo ng mga paraang makakatulong at makakasuporta. Anuman iyon, lumapit sa Diyos at tanungin Siya kung ano ang ating sunod na hakbang at kung ano ang matututunan natin mula sa ating galit. 



Manalangin: Diyos ko, salamat sa pagpapakita sa amin ng kung ano ang matuwid na galit. Ihayag sa akin ang anuman sa mundong nais Mong ituring ko nang may matuwid na galit, at ipakita sa akin ang sunod na hakbang sa paghahatid ng katarungan. Tulungan akong huwag magkasala sa aking galit at bagkus ay lumapit sa Iyo nang mapagpakumbaba. Isinusuko ko ang anumang galit na hindi makatuwiran sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, amen.


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Emotions

Ang marami sa atin ay sinusubukang iwasan o huwag pansinin ang ating mga emosyon. Maaaring iniisip pa natin kung ang ating pananampalataya at mga emosyon ay magkalaban. Noong panahon ni Jesus dito sa lupa, lubos na nadam...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya