Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa KrisisHalimbawa

Good News: Encouragement for a World in Crisis

ARAW 4 NG 7

Pinapatawad Tayo ng Diyos

Kung minsan ba ay dismayado ka sa sarili mo dahil may nasasabi o nagagawa kang alam mong hindi dapat? At saka ang mga kaisipang pinadadaan mo sa isip mo patungkol sa ibang tao? Bawat araw—at madalas ilang ulit sa isang araw—kumikilos tayo sa mga pamamaraang hindi nagpaparangal sa Diyos. Ang ating pagiging tao ay taong-tao, 'di ba?

Nauunawaan man natin o hindi ang ating ginagawa, ipinagkakaloob ng Diyos ang Kanyang kagandahang-loob sa atin! Ang Kanyang perpekto, at hindi-nararapat-sa-ating mabuting kalooban ay pumapawi ng maraming kasalanan at maaari nating abutin 24 oras sa isang araw, bawat araw ng bawat linggo. Ang Biblia ay puno ng mga taong nakaunawa ng makapangyarihang kagandahang-loob ng Diyos sa kanilang buhay. Tunghayan natin ang dalawang kuwento:

Saulo/Pablo
Ayon sa kanya mismo, si Saulo ay isang dakilang Pariseo sa hanay ng mga Pariseo. Kung may maituturing na may kahanga-hangang bio-data na may maraming pagkilala, siya iyon. Nanindigan siya para sa kung ano ang “tama” at nasaksihan ang mga Cristianong pinagpapapatay. Determinado siyang wasakin ang Cristianismo sa mundo. Ngunit, nakatagpo niya si Jesus, sa literal, at radikal ang pagbabagong nangyari sa kanya. Saulo, na pinalitan ang pangalan sa Pablo, ay naging ang pinakamaimpluwensyang lider sa sinaunang iglesya at sumulat ng 13 sa 27 aklat ng Bagong Tipan. 

Pedro
Kapag tinutukoy ang 12 alagad ni Jesus, halos palaging si Pedro ang unang binabanggit. Malinaw ang kanyang pagiging isang lider, at kilala siyang hayagan kung magsalita. Gayon na lang na noong sabihin ni Jesus ang grupo na iiwan nila Siya, malakas ang loob ni Pedrong sumagot na hindi niya kailanman gagawin iyon. Subalit, matapos arestuhin si Jesus, kinumpronta si Pedro at kinailang kilala niya si Jesus, hindi minsan, kundi tatlong beses. Noong si Jesus ay muling nabuhay, pinatawad Niya si Pedro at ibinalik sa ministeryo. Nagpatuloy si Pedro sa pagiging isa sa pinakamaimpluwensyang lider ng sinaunang iglesya.

Hindi batid ni Pablo kung ano ang ginagawa niya hangga't nabatid niya ang ginagawa niya. Totoong hindi siya naniwalang si Jesus ang Cristo at pakiramdam niya ay makatwiran siya batay sa kanyang pananampalatayang Judio na paalisin sa mundo ang isang inaakala niyang manloloko. Si Pedro, sa kabilang banda, ay nakasama ni Jesus, at marami ang magsasabing “mas alam niya.” Idineklara pa niyang siya ang kahuli-hulihang taong mag-iiwan kay Jesus. Dalawang labis na magkaibang eksenang pinaglaanan ng kaparehong kagandahang-loob at pagpapatawad ng Diyos.

Lahat tayo ay nagkakasala at nagagawa ang hindi natin akalaing magagawa. Ngunit, sa kagandahang-loob ng Diyos dakilang pagpapatawad ang inilalaan sa atin. Kaya't, gaano ka man kalayong naligaw, naging gaano kasama ka man, o sinuman ang iyong nasaktan, ang pagpapatawad ng Diyos ay sinlayo lang ng isang simpleng panalangin. 

At dagdag pa sa pagpapatawad sa ating mga kasalanan, hindi sasayangin ng Diyos and ating mga pasakit o mga karanasan! Ang mga ito ay nakukuha natin upang makita natin ang mga mahihirap na sitwasyong dinaanan natin ay maging mga kuwentong luluwalhati sa Diyos. Ginagamit Niya ang mga taong hindi mo aakalain upang maging daluyan ng Kanyang pag-asa dito sa mundo. Nakahanda ka bang maging daan ng pag-asa para sa isang taong nangangailangan kay Jesus? 

Nais ibahagi ang larawan para sa araw na ito? Tapikin dito para i-download.

Tungkol sa Gabay na ito

Good News: Encouragement for a World in Crisis

Nabubuhay tayo sa panahong hindi natutulad sa anumang naranasan natin noon dahil sa pandemikong COVID-19. Saan natin mahahanap ang pag-asa at “mabuting balita” sa kalagitnaan ng walang-patid na masasamang balita? Para sa mga tagasunod ni Jesus, palaging may Mabuting Balita. Sa 7-araw na Gabay na ito, pag-aaralan natin ang ilang mga pangakong masusumpungan sa ating mabuting Diyos at ang pananampalatayang kakailanganin natin upang manindigan sa mga ito.

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.