Pananampalataya sa Halip na Takot sa PandemyaHalimbawa

Alam Niya ang Gagawin
Maaaring mahirap magkaroon ng malakas na pananampalataya sa panahon ng pagkatakot. Kapag ang nakikita mo sa paligid mo ay puro pag-aalala at pag-aalinlangan, mahirap na hindi madala nito ang iyong kaisipan, katauhan at ang pang-araw-araw na pamumuhay mo. Paano tayo maninindigan sa ating pananampalataya? Sa debosyonal para sa araw na ito, ibabahagi ko sa iyo ang mga hakbang na maaari mong gawin upang hindi ka madala ng takot.
MGA TANONG SA PAGPAPAMUHAY
- Gaano kalakas ang pananampalataya mo sa sandaling ito? Bakit kaya ganoon?
- Anong sinasabi ng iyong reaksyon sa coronavirus na pandemya patungkol sa iyong pananampalataya kay Jesus?
- Buksan mo ang iyong Biblia at basahin ang Mga Awit 139:16. Ano ang ipinahihiwatig ng sinasabing naisulat nang lahat ang mga araw na binalangkas ng Diyos para sa iyo, bago ka pa man isinilang?
- Anong magiging kahulugan ng mga salitang iyon sa iyo, sa iyong pinakahuling araw, kailanman ito dumating (mapaaga man ito o sa banda pa roon)?
- Mag-ukol ng panahon upang manalangin na isulat nawa ng Espiritu Santo ang napakamakapangyarihang katotohanang ito sa iyong puso.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa panahong takot ang bumabalot sa puso ng marami – maging ang mga puso ng mga naniniwala kay Jesus – panahon na upang manindigan. Panahon na upang maging matapang sa ating pananampalataya, pagliwanagin ang ilaw ng pag-ibig ni Jesus sa puso ng mga taong nakapaligid sa atin. Samahan si Berni Dymet ng Christianityworks habang ibinubukas niya ang Salita ng Diyos upang pahintulutan ang Espiritu Santong hingahan ka ng tahimik na pagtitiwala.
More