Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Tinubos na mga PangarapHalimbawa

Dreams Redeemed

ARAW 5 NG 7


Isang magandang Sabado ng umaga, Pinanood ko ang 3-taong gulang kong anak na babae habang siya ay natutulog. Nasasabik akong naghihintay na siya ay magising dahil plano kong surpresahin siya ng kanyang paboritong almusal at isama siya para manood ng sine at kumain ng sorbetes.   


Dahan-dahan kong sinuklay ang kanyang buhok mula sa kanyang noo at hinaplos ang kanyang pisngi. “Gising na batang palatulog,” bulong ko sa kanyang tenga.   


Biglaan na lang siyang nagdabog habang kinakaway ang mga braso at nagsisipa ang mga binti. “Hindi! Ayoko pang gumising,” ang mabangis niyang sigaw. Ang kanyang maliit na mala-anghel na mukha ay naging kulubot, nakasimangot at naging kakulay ng singkamas. 


Lumubog aking puso. Maliban sa pagkabulabog sa kanyang pagdadabog, ako ay bigong-bigo na hindi kami magkakaroon ng masayang araw na pinangarap kong gawin kasama siya. 


Gusto ng anak ko na matulog, manatili lang sa kanyang kama. Mas komportable siya sa kanyang pagtulog. Ang kanyang mabangis na pagtutol ay naging dahilan kung bakit pinalampas niya ang isa sanang magandang araw. Wala na akong planong isama siya sa aming lakad at
gantimpalaan ang kanyang pagdadabog. Kung aIam niya ang mga plano ko para sa kanya, iba ba kaya ang kanyang pagkilos? Kung nanalig siya sa aking plano, kung nagtiwala siya sa akin, iba kaya ang kanyang pagsagot? 


Naisip ko kung may pinalampas ako sa magagandang plano ng Diyos para sa akin, dahil masyado kong binigyan ng importansya ang pagiging komportable ko kung nasaan ako ngayon. Masyadong nakatuon sa aking mga kagustuhan. 


Minsan, ginugusto natin ang gusto natin, at iniisip natin na ito ang kailangan natin. Pero kung tayo ay nananalig na mabuti ang Diyos at ang kanyang mga plano para sa atin, makikinig tayo sa Kanya. Susunod tayo sa Kanya—kahit na mabulabog ang ating mga plano at dalhin Niya tayo kung saan hindi tayo komportable. Kahit na kung ang ibig sabihin nito ay kailangan nang bumitaw sa mga relasyon, mga ugali o hinanakit na pumipigil sa atin.   


Ang pananalig ay ang pundasyon ng pananampalataya—ang pagkakaroon ng pananalig sa Diyos ay ang pagtitiwala sa Kanyang plano, kahit na hindi natin ito maintindihan. Ito rin ay pundasyon ng pangarap ng Diyos para sa ating buhay. Sa mga panahong nararamdaman ko na nagkakawatak-watak na ang aking buhay, ang pananalig sa Diyos ang nagbigay sa aking ng matatag na mapagtatayuan. 


"Gising na, sinta. Buksan mo ang iyong mga mata. Sumama ka sa akin. May nakaplano akong maganda para sa iyo. Upang maranasan mo kung ano ang ibibigay ko para sa iyo, hindi ka pwedeng manatili kung nasaan ka. Kailangan mo nang umabante, mahal ko." 


Naniniwala ako na inaanyayahan tayo ng Diyos para sa isang planong mas kamangha-mangha pa sa kayang isipin ng ating imahinasyon. Isang plano na ibabalik at tutubusin ang lahat ng nawala at ninakaw. Ang tanong, nananalig ba tayo nang sapat sa Kanya para sundin Siya?  


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Dreams Redeemed

Anong gagawin natin kapag ang ating mga pangarap ay tila hindi maabot o nawasak na? Bilang isang taong nalampasan ang pang-aabuso at masasaklap na karanasan, pati na rin ang dalamhati ng pakikipaghiwalay sa asawa, ako ay...

More

Nais naming pasalamatan ang Harmony Grillo (I Am A Treasure) sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://harmonygrillo.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya