Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Tinubos na mga PangarapHalimbawa

Dreams Redeemed

ARAW 3 NG 7


Ang pananampalataya ay hindi nangangahulugang hindi na tayo makakaranas ng kahirapan sa buhay. May mga sandali na tayo ay nawalan ng mga trabaho, nasaktan ang mga puso, o may mga mahal sa buhay na kinuha ng hindi pa nila oras. 


May mga ibang panahon din na tayo ay naghihintay (at naghihintay nang naghihintay) na ang ating mga pangarap ay magbunga. Ang pangarap para sa anak, sa asawa, o para sa isang relasyon na nais maibalik. Para sa isang mahal sa buhay na malampasan ang sakit o pagkagumon. Para umangat sa trabaho. Ang ating mga puso ay kumikirot sa pananabik sa mga bagay na hindi pa natin nakukuha o nakakamtan. Minsan, sa tagal ng kirot na ito ay nawawalan na tayo ng pag-asa at maaaring tuluyan na tayong huminto sa ating mga pangarap upang mabawasan ang sakit. 


Nagmamalasakit ang Diyos sa ating mga pangarap. Sa katunayan, Siya ay naglagay ng mga “Pangarap ng Diyos” sa mga puso ng bawat isa sa atin. Ngunit kung mas hahangarin ko ang mga pangarap kaysa sa Diyos, Ang Tagapamigay ng mga Pangarap, ang pangarap ko ay nagiging diyus-diyusan. 


Mula pa noong ako ay dalawang taong gulang, pangarap kong maging sikat na artista. Bilang bata, gumugol ako ng oras sa harap ng salamin sa pagbuo ng mga tauhan.  Ang pang-aabuso at pagsasamantala ay nagtulak sa akin palayo mula sa aking mga pangarap, kasali na ang nabanggit ko. Nang tinanggap ko si Jesus, nagpasya ako na subukan ang pag-aartista ulit. 


Tumanggap ako ng trabaho at nalibang sa pagbubuo ng aking karera pero natanto ko na iba pala ang pangarap ng Diyos para sa aking buhay kumpara sa hinahabol ko.  


Kung ako ay magpapakatotoo, ang pangarap kong maging artista ay bahagyang tungkol sa kagustuhan ko na makaramdam ng importansya. Gusto ng Diyos na hanapin ko ang kahalagahan ko sa Kanya, at hindi sa pagkikilala at pagpansin na matatanggap ko bilang artista. Unti-unti ko ring naunawaan na gusto Niyang gamitin ang sakit na aking dinanas para magbigay pag-asa at kalayaan sa iba. 


Pinagpasyahan ko na sundin ang Pangarap ng Diyos para sa buhay ko at noong taong 2003, binuo ko ang Treasures, isang grupo na nagbibigay tulong at suporta sa mga biktima ng pagsasamantala at trafficking. Araw-araw, nakikita ko ang mga buhay na nabago bilang resulta ng aking desisyon na sundin ang Pangarap ng Diyos para sa aking buhay! Kung ako ay nagpatuloy sa aking pangarap na maging artista, o mas malala, ginawa itong diyus-diyusan ng buhay ko, kindi ko sana maaabot ang pangarap ng Diyos na inihanda Niya para sa akin! 


Nagmamalasakit ang Diyos sa atin at pati na rin sa ating mga pangarap. Labis Siyang nagmamalasakit sa atin kung kaya tayo ay inilalayo Niya sa mga bagay na sa tingin natin ay gusto natin, patungo sa mga bagay na inihanda Niya na talagang para sa atin. 


May pangarap ang Diyos para sa iyong buhay. Maaaring ito ay isang bagay kung saan patungo ka na o maaari rin isang bagay na di mo inaasahan. Naniniwala ako na habang hinahawakan mo ang iyong mga plano at mga pangarap nang bukas-kamay, at naniniwala ka sa Kanyang pamamaraan, dadalhin ka Niya sa kapunuan ng Kanyang inihanda para sa iyo. 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Dreams Redeemed

Anong gagawin natin kapag ang ating mga pangarap ay tila hindi maabot o nawasak na? Bilang isang taong nalampasan ang pang-aabuso at masasaklap na karanasan, pati na rin ang dalamhati ng pakikipaghiwalay sa asawa, ako ay...

More

Nais naming pasalamatan ang Harmony Grillo (I Am A Treasure) sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://harmonygrillo.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya