Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paghahanap ng Daan Pabalik sa PanginoonHalimbawa

Finding Your Way Back To God

ARAW 4 NG 5

“Lubos akong Minamahal ng Diyos sa Kabila ng Lahat”

Sa pag-inog ng ating bagong buhay kasama ang ating Diyos Ama, ang susunod na pagkapukaw ay maaaring tila isang hakbang paatras sa halip na pasulong. Hinahandugan ka ng Diyos ng isang bagay na gusto mo at kailangan mo—isang malugod na pagtanggap. Ngunit mayroon sa kaloob-looban mong gustong tumutol. Ang malugod na tanggapin ng iyong Ama sa langit at tanggapin sa pamilya—ng walang anumang katanungan—ay tila hindi makatotohanan para sa isang taong matagal at malayo ang pagkalihis sa buhay.

Tinatawag natin ang yugtong ito ng iyong paglalakbay na ang pagkagising sa pagmamahal. Sa puntong ito, nagsisimula tayo sa pagsasabing, “Hindi ako karapat-dapat dito.” Ang pagtanggap ng Diyos ay tila hindi kapani-paniwala. Ngunit ang mga sinasabi at ginagawa ng Diyos ay lubos na kabaligtaran sa ating iniisip kung kaya nga't tayo ay naaantig sa isang kamangha-manghang pagkatanto: “Lubos akong minamahal ng Diyos sa kabila ng lahat.”

Dito mo makikita kung bakit sinasabi nating may espirituwal na puwersang naghihilahan kaalinsabay ng ating pagbabalik. Mayroon tayong mga pinaniniwalaan tungkol sa sarili natin, at ang Diyos ay mayroon ding mga pinaniniwalaan tungkol sa atin. Tinitingnan natin ang ating nakaraang puno ng kabiguan at kahihiyan, at tinitingnan Niya kung sino tayo nang may pagmamahal at pagkahabag.

Kaya nga ang pagkamulat na ito ay isang pambihirang tagumpay. Napapagtanto natin, siguro sa unang pagkakataon, hindi tayo karapat-dapat na mabigyan ng ikalawang pagkakataon, walang sinuman sa atin ang karapat-dapat na patawarin, at tunay ngang hindi tayo karapat-dapat na mahalin nang walang pasubali. Ngunit tayo nga ito! Ikaw nga ito! Hindi tayo karapat-dapat, ngunit ibinibigay pa rin ito sa atin ng Panginoon.

Kung ikaw ay katulad ng marami sa atin, alam mo ang tungkol sa paulit-ulit na pag-ukilkil ng kahihiyan. Bubulungan ka ng kahihiyan ng ganito, “Wala kang kuwenta” at “Hindi ka kaibig-ibig.” Sisigawan ka ng kahihiyan ng ganito, “Wala nang pagkakataon para sa iyo!” Ang kahihiyan ay nagdadala ng kahatulan sa sarili, at noong unang matagpuan natin ang biyaya, paulit-ulit nating sinasabing, “Hindi ako karapat-dapat para rito.”

Huwag mong hayaang ang iyong mga nakaraang pagkakamali at kabiguan ang siyang maging katuringan mo. Ito ang tinig ng kahihiyan. Ang katuringan mo ay hindi ayon sa kung ano ang iyong nagawa o hindi nagawa. Hindi ka itinuturing ayon sa kung anuman man ang nagawa sa iyo. Ikaw ay kung sino ka ayon sa sinasabi ng Diyos. Ang Kanyang anak.

Nakakaramdam ka ba ng puwersang espirituwal na naghihilahan sa kaloob-looban mo? Kung ito ang nararanasan mo, paano mo ito isasalarawan?

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Way Back To God

May hinahanap ka bang higit pa sa iyong buhay? Ang paghahangad ng higit pa ay nangangahulugan lamang ng pagnanais mong bumalik sa Diyos—saan man naroon ang iyong ugnayan sa Panginoon ngayon. Lahat tayo ay nakakaranas ng ...

More

Nais naming pasalamatan sina Dave Ferguson, Jon Ferguson at ang WaterBrook Multnomah Publishing Group sa kanilang pagpapagamit ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://yourwayback.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya