Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa

Better Together

ARAW 18 NG 24

Paano Maging Isang Mapagkakatiwalaang Tao

Ang pagtitiwala ay isang damdaming humahatak sa iyo upang maging mas malapit sa iyong mga kaibigan, sa iyong pamilya, at sa iyong maliit na grupo. Kapag wala ang pagtitiwala, hindi ka kailanman magkakaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan na siyang ninanais ng Diyos para sa iyo. Ang pagtutulungan bilang isang pangkat ay imposible kung walang pagtitiwala.

Sinasabi sa Mga Kawikaan 20:6, “Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat, ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak”(RTPV05). Naisulat iyon libong taon na ang nakakaraan, ngunit ito pa rin ang ating suliranin ngayon: Sino ang mapagkakatiwalaan mo? Paano ka makakatagpo ng isang mapagkakatiwalaang tao? Ang mas mahalaga, paano ka magiging isang taong mapagkakatiwalaan upang magtiwala sa iyo ang mga tao?

1. Nakukuha mo ang pagtitiwala ng mga tao kapag hindi ka pabago-bago. Sinasabi ng Biblia sa Lucas 16:10 na, “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay” (RTPV05). Sa kasalukuyan, nais ng lahat ng taong maglingkod sa Diyos sa mga paraang nakikita at mapagparangya. Ngunit ang sabi ng Panginoon ay nabubuo ang tiwala sa pagiging tapat sa maliliit na bagay. Kahit na walang nakakakita sa iyo, nakikita ka ng Diyos. Nakikita Niya ang ginagawa mo. At sinasabi Niyang kung ikaw ay tapat sa maliliit na bagay, bibigyan ka Niya ng palaki at palaking tungkulin.

2. Nakukuha mo ang tiwala ng mga tao kapag mapagkakatiwalaan ka sa pamamagitan ng pagiging kompidensyal. Pinagtitiwalaan ka ng tao kapag marunong kang magtago ng lihim. Isa sa mga patakaran sa aming maliit na grupo sa Saddleback Church ay kung anuman ang sinabi sa loob ng grupo ay mananatiling sa grupo lamang. Pinagkakatiwalaan ka ng grupo mong gagawin mong pansarili lamang ang anumang ibahagi nila. Sinasabi sa Mga Kawikaan 11:13 na, “Walang maitatago sa bibig ng madaldal, ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan.”

3. Nakukuha mo ang tiwala ng mga tao sa pamamagitan ng pagiging malapit sa kanila. Kailangang gumugol ka ng panahong kasama ang mga tao para makuha mo ang kanilang tiwala. Sinasabi ng Biblia na, “Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong” (Mga Kawikaan 17:17 RTPV05). Ito ay nagpapahiwatig ng pagiging malapit. Ang pagiging malayo ay nakakalikha ng kawalan ng tiwala. Hindi mo pinagtitiwalaan ang mga taong hindi mo kilala! Kaya kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng mga tao, kailangang magbigay ka ng oras para sa kanila. Nakalilikha ng tiwala ang panahon.

Pakinggan ngayong araw na ito ngayon ang audio teaching mula kay Pastor Rick>>

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Better Together

Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.

More

Ang gabay na ito © 2015 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org