In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

Pinagpala ang Hari
Wala nang ibang bansang mas nakaaalam ng pagpapakitang-gilas ng kabunyian gaya ng Britanya. Si Elizabeth II ay nanaig sa mahabang panahon na marahil ang tanging nabuhay noong 1953 ang makatatanda sa koronasyon niya, subalit malapit nang masaksihan ng mundo ang isa pa. Ang bagong hari ay darating kasama ang isang prusisyon, kasunod ang Lord’s High Steward dala ang gintong korona ni St. Edward, na siyang ipuputong kasabay ng GInintuang Spurs (mula pa nuong A.D. 1189), gwantes pang hari, gintong orb, at gintong setro.
Anong kakaiba ang byahe ni Jesus sa paligid ng Bundok Olibo papunta sa Jerusalem. Ang sasakyan niya'y bisiro ng asno, isang maliit na hayop na hindi siya mabubuhat ng mataas upang makita ng lahat ng namamasid. Subalit marami sa mga tao ang nakakilala sa kanya bilang hari kaya't nagsimula silang bumigkas: “Pinagpala ang haring dumarating sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Papuri sa Kataas-taasan!” (Lucas 19:38). Ang maharlikang kapang naghihintay sa kanya ay isang lumang balabal ng isang Romano; ang setro niya ay maliit na tambo; ang koronang ipinatong sa ulo niya'y hindi mula sa ginto subalit sa tinik.
Ang dugong tumulo mula sa kanyang mukha galing sa mga tinik ay parehong dugo ng isang tao at dugo ng Diyos. Kaya ito ay may kapangyarihang tumubos at magligtas. Bilang isang tao si Cristo ay kinakatawan tayo sa hukuman ng Diyos; bilang Diyos ay kinakatawan niya ang buong mundo ng nangangailangang makasalanan. Ayon sa kanyang sugat tayo'y gumagaling.
Ang Bundok ng Olibo ay nagsilbing isang mahalagang prusisyon ng pagluklok ng hari. Mula sa lugar na iyon din na ang muling nagbuhay na Kristo ay umakyat sa langit. Ang kanyang kababaang-loob ay napalitan ng kaluwalhatian; ang kanyang mga tagapaglingkod ay libo-libong anghel; ang kanyang presensya at Espirito ay lumulukob sa buong sansinukob; siya'y naghahari sa lahat para sa pakinabang ng kanyang mga kapatid. Sa pananampalataya, tayo rin ay kasama niyang maghari. Kabunyiang makalangit.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Paghahanap ng Kapayapaan

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos

Buhay Si Jesus!
