Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 6 NG 15

Ipinagdiriwang ng kasiyahan ng loob ang biyaya. Ang kuntentong puso ay nasisiyahan sa Nagbigay at samakatuwid ay malaya na mula sa pananabik sa susunod na regalo.



Ang kasalanan ay nakakagawa ng dalawang napakamakabuluhang bagay sa ating lahat. Una, nagiging sanhi ito para isama ang mga sarili natin sa sentro ng ating mga mundo, ginagawang ang buhay ay tungkol lagi sa atin. Sa ating pagtutuon sa sarili, tayong lahat ay nauudyukan ng ating mga gusto, mga pangangailangan, at ng ating mga damdamin, at dahil diyan, maaaaring mas magkaroon tayo ng kamalayan kung ano ang wala tayo kaysa sa maraming mga kamangha-manghang biyayang naibigay sa atin. Ngunit mayroon pa; dahil tayo ay nakatuon sa ating mga sarili, may posibilidad na tayo ay nagbibilang ng puntos, laging ihinahambing ang ating mga tambak na gamit sa tambak ng iba. Ito ay buhay ng pagiging diskontento at pagkainggit. Ang inggit ay laging makasarili.



May isa pang mahalagang bagay na ginagawa din ang kasalanan sa atin. Ginagawa nitong hanapin natin nang pahalang kung ano ang matatagpuan lang natin nang patayo. Kaya naghahanap tayo sa sangkalikasan ng buhay, pag-asa, kapayapaan, kapahingahan, kasiyahan ng loob, pagkakakilanlan, kahulugan at layunin, kapayapaang panloob, at adhikain para magpatuloy. Ang problema ay wala ni isa sa mga nilikha ang makapagbibigay sa iyo ng kahit alin sa mga bagay na iyan. Hindi dinisenyo ang sangkalikasan para masiyahan ang iyong puso. Ang sangkalikasan ay ginawa para maging isang malaking daliri na itinuturo ka sa Nag-iisang may kakayahan para masiyahan ang iyong puso. Maraming taong tatayo ngayon at sa anumang paraan ay tatanungin ang sangkalikasan upang maging kanilang tagapagligtas, sa ganoon ay, maibigay sa kanila ang dapat na Diyos lang ang makakapagbigay.



"Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa'y, aking kailangan? Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan" (Mga Awit 73:25-26). Ito ang mga salita ng isang tao na natutunan ang lihim ng pagkakuntento. Kapag ikaw ay nasiyahan sa Nagbigay, sapagkat natagpuan mo sa Kanya ang buhay na hinahanap mo, ikaw ay napalaya na mula sa mapanagpang na paghahanap ng kasiyahan na siyang nakalulungkot na umiiral sa napakaraming tao. Oo, totoo na ang puso mo ay magkakaroon lamang ng kapahingahan kapag natagpuan na nito ang kapahingahan na nasa Kanya.



Narito ang isa sa pinakamagandang bunga ng biyaya—isang pusong kuntento, mas ninanais ang pagsamba kaysa sa paghingi at mas ninanais ang kagalakan ng pasasalamat kaysa sa pagkabalisa ng kagustuhan. Ang biyaya at tanging biyaya lang ang posibleng makakagawa ng ganitong uri ng tahimik na pamumuhay para sa bawat isa sa atin. Hindi mo ba aabutin ngayon ang ganyang biyaya?


Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ...

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya