Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

Para sa isang mananampalataya, ang takot ay ang paglimot sa Diyos. Kung ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat at ang Kanyang pamamahala ay ganap, may katalinuhan, matuwid at mabuti, bakit ka matatakot?
Kung gaanong katotoo ang mga salita ni Ezequias, hari ng Juda, sa isang nakakatakot na sandali ilang siglo na ang nakakaraan na ito ay sinabi niya, ganoon pa rin ito ngayon. Nasakop ang Juda ng makapangyarihang hari ng Asiria, si Senaquerib. Inihanda at binigyan ng armas ni Ezequias ang mga kawal ng Judah para sa labanan, ngunit hindi lang ito ang ginawa niya. Inihayag niya sa mga tao ang isang higit na mahalagang usapin. Alam niya na sa mga panahong ito ay natatalo ng takot ang mga mamamayan ng Diyos, at alam niya kung saan nagmumula ang takot na ito. Madalas na sa mga panahong mapanghamon tulad nito, ang mga mamamayan ng Diyos ay nagkakagulo dahil nakakalimutan nila kung sino sila. Nakakalimutan nilang sila ay anak ng Diyos at nakakalimutan nila kung sino ang Diyos na makapangyarihan at puspos ng kaluwalhatian. Kaya naman sa panahong ito, alam nina Ezequias na hindi lamang siya dapat maging mabuting hari at magaling na heneral; kailangan din niyang maging marunong na pastor sa kanyang mga sinasakupan.
Habang naghahanda sila sa matinding pagsalakay ng mga taga-Asiria, hindi nais ni Ezequias na isipin ng mga mamamayan ng Juda na tanging tapang, karanasan sa pakikidigma, at galing sa paggamit ng armas ang mayroon sila. Nais niyang ipaalam sa kanila na sila ay lubusang pinagpala ng isa pang bagay, isang bagay na hindi nila maaaring makalimutan, at hindi nila dapat makalimutan. Kaya naman sinabi niya: '“Maging matapang kayo. Lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa mga taga-Asiria. Mas malakas ang kapangyarihang nasa panig natin kaysa nasa panig nila. Nasa tao ang kanyang lakas samantalang nasa panig natin ang ating Diyos na si Yahweh. Tutulungan niya tayo at ipaglalaban.” Sa sinabing ito ni Haring Ezequias, nabuhayan ng loob ang mga tao" (2 Mga Cronica 32:7-8).
Magkakaroon ng panahong magtatanong ka, "Saan ko makukuha ang lakas ng loob na kailangan ko upang harapin ang ano mang kinakaharap ko? Ito ang sagot ni Ezequias: " Tumingin ka sa taas at alalahanin mo ang Diyos." Bilang anak ng Diyos, hindi ka kailanman mag-isang lalaban sa digmaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.
More






