Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 3 NG 15

Kung ang plano ay pangwalang-hanggan, hindi tamang mabuhay lamang tayo sa mga pangangailangan at hinahangahad natin sa maliit na bahagi ng buhay natin dito.

Walang duda-- ang Biblia ay nagpapakita ng isang malaking kuwento at naghihikayat sa atin na mamuhay ng naaayon sa laki ng planong ito. Pinapalawak nito ang ating isip habang hinihikayat ka nitong pagnilayan ang mga bagay bago likhain ang mundo at ang mga libong taong darating sa hinaharap. Hindi ka lang hinahayaan ng Biblia na mamuhay sa ngayon. Hindi ka nito binibigyan ng pagkakataong malimitahan ang iyong pag-iisip, hangarin, salita, at kilos ng mga biglaang kaisipan, emosyon, o pangangailangan na kumukuha ng iyong atensyon. Sa isang sandali, ang mga iniisip mo ay magiging tila mahalaga, kahit hindi naman. Sa isang saglit, ang iyong emosyon ay tila higit na mapagkakatiwalaan, kahit hindi naman. Sa isang saglit, ang iyong mga pangangailangan ay tila higit na mahalaga, kahit hindi naman. Itinakda tayong mamuhay na nakadugtong sa pasimula at sa pangwakas. At ganito tayo nararapat mabuhay dahil ang lahat ng ating ginagawa ay dapat nakadugtong sa Diyos ng pasimula at wakas, na lumikha sa atin at dahilan kung bakit tayo nilikha.

Mahirap mamuhay na nakabase sa pangwalang-hanggan. Tunay na ang buhay ay paulit-ulit na tila nakasentro sa maliliit na pangyayari. May mga panahon na ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ay makaalis sa trapiko, manalo sa isang pagtatalo, o malugod ang sekswal na pagnanasa. May mga panahon na ang ating kaligayahan at kasiyahan ay lumiliit katulad ng kagustuhang makakuha ng bagong sapatos, o ang steak na kailangan mong hintayin sa loob ng sampung minuto. May mga pagkakataong kung sino tayo, sino ang Diyos, at ang kahihinatnan ng lahat ng bagay ay nawawala dahil sa ating mga iniisip, nararamdaman at pangangailangan sa panahong iyon. Ito ang mga panahong naliligaw tayo sa gitna ng kuwento ng Diyos. Naguguluhan tayo, nawawala sa landas, nakakalimutan natin Siya.

Ipinapaalala sa atin ng Diyos na hindi pa natin nakikita ang lahat ng bagay, na nilikha tayo at muling nilikha kay Cristo Jesus para sa buhay na walang-hanggan. Pinapaalalahanan Niya tayo na huwag mamuhay sa mga yamang makukuha sa ngayon: '“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw" (Mateo 6:19-20).

Pakaisipin mo ito: Kung inihanda na ng Diyos ang walang-hanggan na kasama ka, ipinagkaloob na rin Niya ang lahat na pagpapala na kailangan mo sa iyong paglalakbay, kung wala ito, hindi ka makakarating sa patutunguhan mo. May habag para sa ating pabago-bago at madaling maligaw na mga puso. Mayroong tulong para sa ating pagkamakasarili at kawalan ng pokus. Binibigyan ka ng Diyos ng walang hanggan ng Kanyang walang-hanggang biyaya upang makapamuhay ka na nakatuon sa buhay na walang hanggan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/