Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG PAGMAMAHAL SA MUNDO
May mas mahalaga bang aral tayo na maituturo sa ating mga anak? Ang paghahangad ng mga materyal na bagay ay hindi kailanman makapagbibigay ng lubos na kasiyahan at ito'y walang katapusan. Ang Diyos ay may nakalaan para sa atin na higit pa sa ating ninanais dito sa mundo, subalit madalas ay nabubuhay tayo sa paraang hindi nakikita ng ating mga anak ang katotohanang ito. Nakikita nila tayong nagsusumikap at nagpapakahirap dahil mayroon tayong isang bagay subalit mayroon pa tayong nais makamtan. Nakikita nila tayong inihahambing ang ating mga sarili sa iba. Ang nakakalungkot, maaari nilang makita na inihahambing natin sila sa ibang mga bata, at kapag nagkaganito, ay maari natin silang itulak upang sila'y maging "matagumpay" sa kanilang paaralan, sa larangan ng palakasan, at sa mga pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Ang pagmamahal ba sa mga "bagay dito sa mundo" ang halimbawang naipapakita mo sa iyong mga anak? Paano mo mas maipapakita sa kanila ang pagmamahal sa mga bagay na espiritwal?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com