Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA TALENTO AT KALAKASAN
Dinisenyo tayong lahat ng Diyos nang may partikular na layunin at espesyal Niya tayong biniyayaan upang magampanan ang layuning iyon "para sa kapakinabangan ng lahat." Ngunit madalas nating pinipilit ang sariling disenyo para sa ating mga anak at sa sarili. Sa kasamaang palad ang pagpipiling iyon ay madalas nababatay sa mga katangian at saligang pinararangalan at pinahahalagahan ng makamundong sistema. Hindi ganyan gumawa ang Diyos. Ang Diyos ang arkitekto, at alam Niya kung paano umaakma ang mga piraso sa isa't isa.
Hindi mo ba naiisip na mas kapakipakinabang ang sumailalim sa disenyo ng Diyos at lumakad sa Kanyang kalooban kaysa magpumiglas at maging isang bagay na taliwas sa Kanyang disenyo? "Lahat ba'y mga apostol?" (1 Mga Taga-Corinto 12:29).
Subukang gawin ang espiritwal na imbentaryo ng mga talento kasama ang iyong pamilya. Pagkatapos ay magtulungan kayo kung paano magagamit ang mga ito para sa "kapakinabangan ng lahat."

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com