Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Humayo Gawin Sabihin Ibigay: Ang Kalayaan Ng Pagsuko Kay JesusHalimbawa

Go Do Say Give: The Freedom Of Surrender To Jesus

ARAW 7 NG 7

Para sa Iyong Karangalan at Kaluwalhatian


Ang pagsuko ng ating mga buhay kay Jesus ay hindi isang panunumpa ng pagiging ganap; ito ay kapahayagan ng katapatan. Ito ay hindi lamang isang sandali sa ating mga buhay. Ito ay reorientasyon at paghahanay ng ating mga puso na dalhin ang ating mga isipan, mga damdamin, at mga kalooban sa araw-araw na pagsuko sa Kanyang gabay at hangarin para sa atin. Ang buhay ay isang paglalakbay ng ugnayan natin kay Jesus, pagsunod sa Kanya sa bawat hakbang ng daan. Nararanasan natin ang buhay na malaya at malago sa pamamagitan ng sunud-sunod na mga araw ng pagsunod sa Kanya.


Ang matutong sumunod kay Jesus ay nangangailangan ng pagsisikap at kasanayan, tulad sa kung paanong natututunan ang kahit anong mga bago. Ang pagsisimula ng bawat araw sa pamamagitan ng isang panalangin ng pagsuko ay isang kahanga-hangang paraan para manatili ang pagtibok ng puso sa kung ano man ang gusto ng Diyos.. Madaling maligaw sa ating espirituwal na paglalakbay—nalilito kung nasaan na tayo o kung paano makabalik sa daan. Maaari tayong maligaw o matigil sa maraming kadahilanan, at kailangan natin ang payak na daan para makabalik sa landas. May mga taong naghihintay para mangyari iyon sa susunod na pakikinig sa simbahan o kaya sa sunod na pag-aaral ng Biblia. Kung minsan kailangang dumaan sa krisis. Pero hindi natin kailangang maghintay para bumalik na muli sa ating paglalakbay.


Narito ang pang-araw araw at payak na pamamaraan para ihanay muli ang ating mga puso Kung ikaw ay nakapaglaro na ng kahit anong uri ng laro, alam mo na ang bawat laro ay mayroong "ready" o simulang posisyon. Ito ang panimulang posisyon para magawa kung ano ang susunod. Halimbawa, sa basketball, ang panimulang posisyon ay tinatawag na triple threat position. Mula sa ganoong posisyon, maaari kang magpasa, mag-shoot o kaya ay mag-dribble ng bola. Sa makatuwid, handa ka na sa kung ano mang susunod na kilos ang pinakamainam.


Isipin mong ang panalanging ito ay handang posisyon mo sa iyong pang-araw araw na paglalakbay.. Ito ay espirituwal na posisyon ng pagsuko sa kung anumang pagkilos—paghayo, paggawa, pagpapahayag o pagbibigay—na hinihingi ni Jesus mula sa iyo sa araw na iyon, nakasalalay sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na namamahay sa iyo sa halip na palaging nagsusumikap gamit ang sarili mong lakas.


Ang panalangin ay payak na pamamaraan para maihanay ang iyong puso sa Kanya, habang ang iyong mga mata ay nakatuon sa Kanya, ang iyong mga paa ay nakatakda na sundin Siya, at ang iyong mga kamay ay handa para Siya ay paglingkuran sa anumang paraang aakayin ka Niya ngayon.


Kung hindi mo pa nagagawa, maari ka bang yumuko sa harap ni Jesus, at sabihin na ikaw ay sumusuko sa Kanya, at sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, ikaw ay hahayo, gagawa, magpapahayag, at magbibigay para sa Kanyang karangalan at kaluwalhatian? 


At ngayon, gawin mo itong pang-araw araw na pagsasanay ng pagsuko sa Kanya.  At bakit hindi mo ibahagi ang iyong pasya sa isang kaibigan at himukin sila na gawin din ito. 

Maligayang bati sa pagtatapos ng 7-araw na paglalakbay patungo sa mas malalim na pagsuko kay Jesus! Kung gusto mong tuklasin ang iba pang patungkol sa dasal na ito at kung paano lumakad na may pagsuko kay Jesus, marami pang ibang mga saloobin sa aklat na, 'Go Do Say Give", makikita sahttp://crustore.org/go-do-say-give.html o kaya ay pumunta sa aking blog sa http://KeithBubalo.com


Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Go Do Say Give: The Freedom Of Surrender To Jesus

Ang pagsuko kay Jesus ay may epekto sa kabuuan ng ating buhay. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng desisyong ito at paano natin ito isasabuhay bawat araw? Para lang ba ito sa malalaking desisyon sa buhay, o sa labis na e...

More

Nais naming pasalamatan ang Cru sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.cru.org/us/en/pledge.html

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya