Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Humayo Gawin Sabihin Ibigay: Ang Kalayaan Ng Pagsuko Kay JesusHalimbawa

Go Do Say Give: The Freedom Of Surrender To Jesus

ARAW 4 NG 7

Gagawin ko kung ano ang nais Mong Gawin ko



Ang pagtupad ng kung ano ang nais na ipagawa ng Diyos sa atin ay nakakatakot, para bang inaanyayahan natin ang Diyos na bigyan tayo ng isang higanteng listahan ng dapat gawin na hindi natin kailanman makukumpleto. Ilan ba ang mga bagay-bagay na kailangan nating gawin? Saan ba tayo dapat magsimula sa pagsunod sa lahat ng utos ni Jesus?



Isang bagay na maliwanag mula sa salaysay ng ebanghelyo ay ang mga tao ay may ibang naramdaman patungkol kay Jesus kumpara sa mga Pariseo. Ginawa ng mga Pariseo ang pagkamakatwiran na masalimuot at hindi kayang matamo, marahil hindi rin kanais-nais. Sa Kanyang Sermon sa Bundok, ginawa ni Jesus na simple ang lahat, nakapaloob sa isang pangungusap ang tema ng dapat nating gawin: “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta” (Mateo 7:12).



Maaaring ito ay parang pagbabanta, pero isipin mo ang araw mo ngayon: maaaring may makilala kang iba't-ibang uri ng mga tao sa iyong trabaho, o kaya sa klase o kaya sa pag-aaruga sa iyong pamilya, o sa pagtupad ng gawain at sa pakikilahok sa pangkalahatang kabuhayan at lohistika. Maaaring makipag-ugnayan ka sa iba sa social media. At mayroon ding mga hindi inaasahang pakikipag-ugnayan sa ibang tao habang inaasikaso mo ang sariling kaganapan sa iyong pang-araw-araw na buhay.



Sa bawat pag-uugnay sa iyong araw, paano mo gustong pakisamahan?  Ang pagkilos na ayon sa gusto ni Jesus ang dapat na pamamaraan kung paano ka makikitungo sa ibang tao. Sa Mikas 6:8b ay ibinibigay ang tatlong mga kategoria na tutulong sa ating praktikal na pag-iisip patungkol sa ating gawain: pakikisama sa iba nang pantay-pantay at walang kinikilingan, pagpapakita ng awa sa mga nangangailangan, at pamumuhay nang may kababaang-loob sa harap ng Diyos nang hindi inilalagay ang sarili na mas mataas o mas importante sa ibang tao.



Madaling isipin na ang gustong ipagawa ng Diyos sa atin ay patungkol sa mga kakaiba o napakalaking gawain, marahil sa oras ng krisis. Pero mas madalas, at kaya mas madaling nakakaligtaan, ang karaniwang gawain na nais Niya ay sa panahong hindi napapansin. Itong mga maliliit na bagay, mga pang-araw-araw na gawaing may pagsuko na nagpapalago ng ating pananampalataya at katapangan, at inihahanda tayo na tumugon sa gusto Niya sa panahon ng pagsubok. Ito ay pwedeng simpleng gawain tulad ng pagtupad sa pangako, lalo na kung ginawa ito na may kasamang sakripisyo o personal na abala. 



Maaari bang hingin mo sa Diyos ang lakas at karunungan upang magawa mo ang gusto Niya sa gawain mo ngayon? Manalangin sa pamamagitan ng bawat bagay sa talaan mo ngayon at hingin sa Diyos na ibigay sa iyo ang lakas na magawa ang nais Niyang gawin mo.  


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Go Do Say Give: The Freedom Of Surrender To Jesus

Ang pagsuko kay Jesus ay may epekto sa kabuuan ng ating buhay. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng desisyong ito at paano natin ito isasabuhay bawat araw? Para lang ba ito sa malalaking desisyon sa buhay, o sa labis na e...

More

Nais naming pasalamatan ang Cru sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.cru.org/us/en/pledge.html

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya