Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Humayo Gawin Sabihin Ibigay: Ang Kalayaan Ng Pagsuko Kay JesusHalimbawa

Go Do Say Give: The Freedom Of Surrender To Jesus

ARAW 3 NG 7

Hahayo ako kung saan Mo Gustong Humayo Ako



Walang taong may gustong hindi makausad. Pinag-uusapan natin ang hindi pag-abante, o kabiguang umusad sa emosyonal na aspeto na tila masamang bagay ito. Ang hindi pag-usad sa buhay ay katumbas ng walang pagkilos o paglagong nagaganap. Totoo rin ito sa larangang espirituwal. At harapin natin: tayong lahat ay nakakaramdam ng walang pag-usad sa ating espirituwal na paglalakbay paminsan-minsan. Ang magandang balita ay nasa proseso si Jesus ng pagdadala sa atin sa isang dako; ang pagsunod sa Kanya ay ang sadyaing hangarin na pumunta kung saan Niya tayo nais pumunta, at ito ang sisiguro sa ating hindi tayo maantala nang matagalan kung makikinig tayo sa Kanya. 



Ito ang ginawa ni Abram sa Genesis 12. Habang siya ay "hindi makausad" mula sa kanyang bayan, inutusan siya ng Diyos na humayo sa isang hindi kapani-paniwalang paglalakbay, na kung saan nilisan niya ang kanyang bayan at pamilya upang humayo sa isang bayan na ituturo ng Diyos sa kanya. Ang resulta ng pananampalataya ni Abram ay isang bagong bansa na nagbigay dangal sa Diyos at nagresulta sa pagdating ng Mesiyas para sa kaligtasan ng sangkatauhan. 



Sa Mga Hebreo 11:8 sinabi sa atin na sumunod si Abram sa utos ng Diyos at "Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta." Minodelo Niya para sa atin na ang paghayo kung saan tayo nais paghayuin ng Diyos ay sa puno't dulo, isang isyu ng pananampalataya—pagtitiwala sa kabutihan at makapangyarihang plano ng Diyos sa ating mga buhay. Kapag kailangan ng pananampalataya, may panganib at minsan pangamba, dahil hindi natin alam ang lahat ng kakailanganin nito. Ang pagpiling humayo ay pagpiling harapin ang ating mga kinatatakutan.



Nang natapos ni Jesus ang kanyang misyon sa lupa, ibinigay Niya sa Kanyang mga alagad ang kautusang: "Humayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa.... (Mateo 28:29). Sa Kanyang panalangin sa Juan 17:8, sinabi ni Jesus sa Ama, "Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan." Ang paghayo sa kung saan nais tayo paghayuin ni Jesus ay magreresulta sa paggawa ng mga alagad, mga kapwa tagasunod ni Jesus. Sa kasawiang palad, marami ang nag-aakalang ang utos ni Jesus na "gumawa ng mga alagad" ay isang natatanging talento o uri ng propesyonal na tungkulin sa pagmiministeryo. Ngunit maraming paraan ng pakikilahok sa paggawa ng mga alagad.



Ito ay isang gawain para sa bawat tagasunod ni Jesus, tulad ng mabuting pakikitungo at pamamagitan sa panalangin. Habang nagpapasailalim ka sa kontrol ng Espiritu sa iyong buhay, sabihin mo kay Jesus na ikaw ay hahayo sa kung saan ka man Niya nais paghayuin sa iyong espirituwal na paglalakbay, kasama na ang sa paggawa ng mga alagad. Hayaan mong pangunahan ka Niya sa kung sino at paano mo ipapamuhay iyan sa bawat araw.



Hahayo ka ba kung saan ka nais ng Diyos na humayo?



Tanungin mo Siya kung sino ang maaring mong maimpluwensiyahan ngayon na maging kapwa alagad ni Jesus.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Go Do Say Give: The Freedom Of Surrender To Jesus

Ang pagsuko kay Jesus ay may epekto sa kabuuan ng ating buhay. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng desisyong ito at paano natin ito isasabuhay bawat araw? Para lang ba ito sa malalaking desisyon sa buhay, o sa labis na e...

More

Nais naming pasalamatan ang Cru sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.cru.org/us/en/pledge.html

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya