Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pag-asa sa DilimHalimbawa

Hope In The Dark

ARAW 3 NG 12

Sumulat



Kung ninanais nating maging malakas ang ating pananampalataya, hindi tayo dapat matakot sa mga pagkakataon kung saan ang ating pananampalataya ay maaaring subukin, at kung magkaganoon, sa pamamagitan ng pagsubok, ay mapalakas.



—George Mueller



Anong ginagawa mo kapag gumuguho ang buhay mo? Ano ang madalas mong nagiging tugon, anong mga bagay ang tinatakbuhan mo para maginhawaan, para mabigyang-lunas, o para makatakas? 



Ang pag-iwas sa isang sitwasyon ay lalo lamang nakakasama. Lalo tayong nabibigo, dahil walang nagbabago. Maaaring makonsensya pa tayo dahil hindi tayo naging mas malakas upang harapin ang anumang tinik na ating dinaanan. Sa huli, lalo pa tayong lumalayo sa Kanya na Siyang tanging makakatulong sa atin. 



Hanggang hindi tayo nagkakaroon ng tapat na pakikipag-usap sa Diyos, hindi natin kailanman malalaman ang kapayapaan. Ngunit paano? 



Ginagabayan tayo ni Habakuk sa ating lambak sa pamamagitan ng tatlong tiyak na pagkilos. Una, tinanong ni Habakuk ang malinaw na kawalang-katarungan ng Diyos. Pagkatapos ay huminto siya at nakinig sa Diyos. Pagkatapos nito, nagsulat siya. Sinabi ng Diyos kay Habakuk, “Isulat mo ang pangitain, at gawin mong malinaw sa mga tapyas na bato, upang ang makabasa niyon ay makatakbo" (Habakuk 2:2 ABTAG01).



Bakit gugustuhin ng Diyos na gawin niya iyon? Ganito ang sinasabi ng Diyos kay Habakuk, "Isulat mo ito upang mapatunayan Kong Ako ay makatarungan at totoo, ang lahat ay maaalalang Ako ay Diyos na may isang salita." 



Kapag may sinasabi ang Diyos sa iyo, isulat mo ito, dahil ang iyong kaaway na espirituwal ay dalubhasa sa pagnanakaw ng mga buto ng katotohanan na gusto ng Diyos na itanim. 



Siguro ay iniisip mo, "Naku, Craig! Nakukuha ko ang sinasabi mo, pero hindi naman ako isang manunulat. Magandang ideya iyan, pero inaasahan mo ba talagang kukunin ko ang telepono ko, o ang tablet ko—o kaya naman ay kukuha ako ng papel at lapis—at isusulat ko kung anong iniisip kong sinasabi ng Diyos sa akin?" 



Tama ka. 



Ang mismong pagsusulat ng mga salita sa isang pahina o sa screen ay nagdudulot ng isang patotoo, naitatatak ito sa alaala, at nakakatulong na mapanagot ka tungkol dito. Isulat mo ang Kanyang mensahe sa iyo. 



Pagkilos: Gumawa ng isang plano kung paano ka makakapagsulat nang regular ng iyong mga pakikipag-usap sa Diyos. Pagkatapos, magsimula sa araw na ito.  


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Hope In The Dark

Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa a...

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya