Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pag-asa sa DilimHalimbawa

Hope In The Dark

ARAW 8 NG 12

Tanggapin



Hindi ito pagtanggi. Namimili lang ako ng mga katotohanang tinatanggap ko.




—Bill Watterson, Calvin and Hobbes 



Kung minsan, kahit na natatandaan natin lahat ng ginawa ng Diyos para sa atin, hindi nito napapalitan ang ating sitwasyon. Kung minsan ay kailangan na lang nating tanggapin na ito ay hindi abot ng ating isip sa ngayon at magpatuloy na. Ngunit kailangan din nating maunawaan na ang pagtanggap ay hindi pagtanggi. 



Kapag tinatanggap mo ang ginagawa ng Diyos sa iyo, hindi mo basta na lang itinatago ang iyong nararamdaman at hinahayaan ang puso mong magdalamhati, habang pinagsasanayan mo ang iyong pagngiti sa salamin at nagsasaulo ka ng mga bersikulo mula sa Biblia. Kapag tinatanggap mong ang Diyos ay may ginagawa na hindi mo makita o maunawaan sa ngayon, hindi ka basta na lamang susuko at mawawalan na ng pag-asa. Hindi, magpatuloy kang manalangin para sa himala mula sa Kanya hangga't wala Siyang sinasabing itigil mo na ito. Ngunit huwag ka ring magkunwaring ang lahat ay ayos lang kahit alam mong hindi. 



Hindi kaya ni Habakuk na magkunwari at magtago na lamang. Pagkatapos niyang tanungin ang Diyos at sumagot ang Diyos na sinabi sa kanyang gagamitin Niya ang masasamang mga taga-Babilonia upang talunin ang Israel, sinabi ni Habakuk, "Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanginig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ako at nangatog ang aking mga tuhod" (Habakuk 3:16 RTPV05). 



Malalim ang kanyang sagot. Alam mo ang pakiramdam na para kang lumulubog at alam mong may masamang mangyayari na hindi mo kayang kontrolin? Iyan ang hinaharap ni Habakuk. 



Nang tinanggap ni Habakuk ang katotohanan habang naghihintay siya sa Diyos, hindi ito pagtanggi. Ito ay pananampalataya. Hindi pananampalatayang gagawin ng Diyos ang gusto ni Habakuk na gawin ng Diyos. Kundi pananampalataya sa pagkatao ng Diyos. Nagpatuloy sa pagsasalita si Habakuk at sinabi, "Ang makapangyarihang kamay ng Diyos ay may ginagawa. Nagsalita ang Diyos, kaya't tatanggapin ko anuman ang Kanyang ginagawa, mahirap man ito para sa akin." 



Sa isang panahon, may isang bagay na mangyayari na hindi mo magugustuhan. Maaaring nangyayari na ito ngayon. 



Maaalala mo ang ginawa ng Diyos. Tinatanggap mo ang ginagawa ng Diyos. Pinagtitiwalaan mo ang ginagawa ng Diyos. 



Manalangin: O Diyos, hindi ko nauunawaan ang nangyayari, pero tinatanggap ko na sa paanupamang paraan, Ikaw ang Siyang may kapamahalaan. 


Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Hope In The Dark

Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa a...

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya