Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pag-asa sa DilimHalimbawa

Hope In The Dark

ARAW 5 NG 12

Sa pamamagitan ng Pananalampataya



Tahakin ang unang hakbang sa pananampalataya. Hindi mo kailangang makita ang buong hagdanan, gawin mo lang ang unang hakbang. 



--Martin Luther King Jr. 



Pagdating sa pananampalataya, may kasama itong paghihintay. Gusto ko ang pagkakapahayag ni C.S Lewis: “Sigurado ako na walang pinaghihintay ang Diyos maliban kung nakikita Niyang mabuti na maghintay siya.” Maaari tayong magtiwala sa Diyos na gawin ang pinakamabuti para sa atin sa tamang oras.  



Kahit na napilitan tayong maghintay, madalas na pinatitibay ng Diyos ang Kanyang mga pangako sa atin at pinaalalahanan tayo sa Kanyang presensya. Ito ay maaring sa Kanyang Salita, sa pamamagitan ng isang bulong, sa pamamagitan ng isang tao, o sa pamamagitan lamang ng ating paniniwala sa pamamagitan ng pananampalataya na Siya ay kasama natin. 



Kung nais mong patibayin ang iyong pananalampataya, alam ko na ang pinakamabuting lugar na hanapan ay ang aklat ng Mga Hebreo. Doon, sa kabanata 11, nakita natin ang Faith Hall of Fame, isang listahan ng napakaraming tao na nahirapan, naghintay, nabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, at nakita ang mga pangako ng Diyos na natutupad. Natagpuan natin ang mga tao na dumadaan sa mga hindi kapani-paniwalang bagay--tila imposibleng mga pagsubok--at sa huli ay nakakaranas ng isang bagong antas ng pakikipag-ugnayan sa Diyos habang mas nasasaksihan nila ang Kanyang kapangyarihan.



Sa pamamagitan ng pananampalataya, sumunod si Noe sa Diyos at nagtayo ng arka, na nagligtas sa kanyang pamilya. 



Sa pamamagitan ng pananampalataya, natanggap nina Abraham at Sara ang anak na ipinangako sa kanila ng Diyos, kahit na lumipas na sila sa edad ng panganganak. Sa pamamagitan ng pananampalataya, napagtagumpayan ni Jose ang pagtataksil, pagkaalipin, maling paratang, at pagkakulong upang mailigtas ang bansang Israel. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang bayan ng Diyos ay umalis sa Egipto at lumakad sa gitna ng Pulang Dagat na nahati sa magkabilang panig nito. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang mga Israelita ay umikot sa mga pader ng Jerico, at ang mga pader nito ay bumagsak.



Hindi sila mga perpektong tao--malayo dito, sa katunayan. Lahat sila ay nagkaroon ng kanilang mga pakikibaka at pagdududa, kanilang mga pagkakamali at pagtataksil, kanilang mga kakulangan at kahinaan, ngunit nagtiyaga sila sa kanilang pananampalataya at paulit-ulit na naghintay sa Diyos. 



Sa pamamagitan ng pananampalataya, malalampasan mo ito. 



Isipin ito: kung ang lahat ay nauunawaan mo na, hindi mo na kailangan ng pananampalataya. Maaari kang mabuhay nang simple sa pamamagitan ng iyong pag-unawa. Sa pamamagitan ng iyong lohika, ngunit hindi sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit kapag hindi mo naiintindihan ang isang bagay, nagbibigay ito sa iyo ng natatanging pagkakataon upang mapalalim ang iyong pananampalataya.



Sinabi ni Oswald Chambers, "Ang pananampalataya ay sinasadyang pagtitiwala sa katangian ng Diyos na ang mga paraan ay maaaring hindi mo maintindihan sa oras na iyon.” 



Manalangin:O Diyos, palalaguin mo ba ang aking pananampalataya nang higit pa sa sarili kong pangangailangan upang maunawaan ko ang lahat?


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Hope In The Dark

Ang gabay na ito ay para sa sinumang nasasaktan at hindi mantindihan kung bakit. Kung nawalan ka ng isang bagay, isang tao, o ang iyong pananampalataya ay umabot sa puntong nasagad na, ang Gabay sa Bibliang ito mula sa a...

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya