Job 38:22-41
Job 38:22-41 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Napuntahan mo na ba ang aking mga imbakan ng niyebe at ng yelong ulan? Ang mga ito'y aking inilalaan, sa panahon ng digmaan at ng kaguluhan. Nakapunta ka na ba sa sikatan ng araw, o sa pinagmumulan ng hanging silangan? “Sino nga ba ang humukay ng daanan ng baha? Ang landas ng kulog ay sino ang gumawa? Sino ang nagbibigay ng ulan sa disyerto, kahit na doo'y wala namang nakatirang tao? Sino ang dumidilig sa tigang na lupa, upang dito'y tumubo ang damong sariwa? Ang ulan ba o ang hamog ay mayroong ama? Ang yelong malamig, mayroon bang ina? Sino nga kaya ang nagsilang sa kanila? Sa labis na lamig, tubig ay tumitigas, nagiging parang bato ang ibabaw ng dagat. “Ang Pleyades ba'y iyong matatalian, o ang Orion kaya'y iyong makakalagan? Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin, o maituturo ang daan ng malaki't maliit na diper? Alam mo ba ang mga batas sa langit, ito ba'y maiaangkop mo sa daigdig? “Ang mga ulap ba'y iyong mauutusan upang sa lupa ay magbuhos ng malakas na ulan? Mauutusan mo ba ang kidlat na ito'y kumislap, sumunod naman kaya sa iyong mga atas? Sino ang nagsasabi sa ibong Ibis kung kailan tataas ang Ilog Nilo, at sino ang nagpapabatid sa tandang upang ibadya ang pagdating ng bukang-liwayway? Sinong makakabilang sa ulap na makapal, o makakapagtaob nito upang bumuhos ang ulan? Ang ulan na sa alabok ay babasa, kapag iyon ay natuyo, magiging matigas na lupa. “Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon, upang mapawi ang kanilang gutom? Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay? Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?
Job 38:22-41 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Nakapunta ka na ba sa lugar na pinanggagalingan ng nyebe o ulan na yelo? Ang mga yelong itoʼy inihahanda ko para sa panahon ng kaguluhan at digmaan. Alam mo kung saan nagmumula ang kidlat? At kung saan nagmumula ang hanging silangan? Sino nga ba ang gumawa ng dadaanan ng ulan at ng bagyo? Sino nga ba ang nagpapadala ng ulan sa disyerto, sa lugar na walang nakatirang tao? Sino ang nagpapadala ng ulan sa ilang upang tumubo ang mga damo? Mayroon bang ama ang ulan? Sino ang ama ng mga ng hamog? Sino ang ina ng niyebe? Sino ang nagsilang sa yelong mula sa langit? Ang tubig ay nagyeyelo na kasintigas ng bato, pati na ang itaas na bahagi ng dagat. “Kaya mo pagkumpul-kumpulin ang mga bituin ng Pleyades o ikalat ang mga bituin ng Orion? Masasabihan mo ba ang mga bituin na lumabas sa tamang oras? Magagabayan mo ba ang mga bituing Malaking Oso at Maliit na Oso sa kanilang daan? Alam mo ba ang mga tuntuning umiiral sa langit? Ito kayaʼy mapapairal mo rito sa lupa? “Masisigawan mo ba ang mga ulap para bumuhos sila ng ulan? Mauutusan mo ba ang kidlat na kumislap? Mapapasunod mo kaya ito? Sino ang nagbibigay ng karunungan at pang-unawa ng tao? Sinong napakarunong ang makakabilang ng mga ulap? Sinong makakapagbuhos ng tubig mula sa langit upang ang mga tuyong alikabok ay maging buo-buong putik? “Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon upang sila ay mabusog habang silaʼy nagtatago sa kanilang lungga o sa maliliit na punongkahoy? Sino ang nagpapakain sa mga uwak kapag silaʼy nagugutom at kapag ang mga inakay nilaʼy humihingi ng pagkain sa Diyos?
Job 38:22-41 Ang Biblia (TLAB)
Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo, Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma? Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa? Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog; Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao. Upang busugin ang giba at sirang lupa; at upang pasibulin ang sariwang damo? May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog? Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino? Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno. Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa? Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, upang takpan ka ng saganang tubig? Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, at magsabi sa iyo: Nangarito kami? Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip? Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit, Pagka ang alabok ay napuputik, at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi? Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay? Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain.
Job 38:22-41 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Napuntahan mo na ba ang aking mga imbakan ng niyebe at ng yelong ulan? Ang mga ito'y aking inilalaan, sa panahon ng digmaan at ng kaguluhan. Nakapunta ka na ba sa sikatan ng araw, o sa pinagmumulan ng hanging silangan? “Sino nga ba ang humukay ng daanan ng baha? Ang landas ng kulog ay sino ang gumawa? Sino ang nagbibigay ng ulan sa disyerto, kahit na doo'y wala namang nakatirang tao? Sino ang dumidilig sa tigang na lupa, upang dito'y tumubo ang damong sariwa? Ang ulan ba o ang hamog ay mayroong ama? Ang yelong malamig, mayroon bang ina? Sino nga kaya ang nagsilang sa kanila? Sa labis na lamig, tubig ay tumitigas, nagiging parang bato ang ibabaw ng dagat. “Ang Pleyades ba'y iyong matatalian, o ang Orion kaya'y iyong makakalagan? Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin, o maituturo ang daan ng malaki't maliit na diper? Alam mo ba ang mga batas sa langit, ito ba'y maiaangkop mo sa daigdig? “Ang mga ulap ba'y iyong mauutusan upang sa lupa ay magbuhos ng malakas na ulan? Mauutusan mo ba ang kidlat na ito'y kumislap, sumunod naman kaya sa iyong mga atas? Sino ang nagsasabi sa ibong Ibis kung kailan tataas ang Ilog Nilo, at sino ang nagpapabatid sa tandang upang ibadya ang pagdating ng bukang-liwayway? Sinong makakabilang sa ulap na makapal, o makakapagtaob nito upang bumuhos ang ulan? Ang ulan na sa alabok ay babasa, kapag iyon ay natuyo, magiging matigas na lupa. “Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon, upang mapawi ang kanilang gutom? Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay? Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?
Job 38:22-41 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, O nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo, Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, Laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma? Sa aling daan naghiwalay ang liwanag. O sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa? Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, O ng daanan ng kidlat ng kulog; Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao. Sa ilang na doon ay walang tao. Upang busugin ang giba at sirang lupa; At upang pasibulin ang sariwang damo? May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog? Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino? Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, At ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno. Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, O makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa? Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, Upang takpan ka ng saganang tubig? Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, At magsabi sa iyo: Nangarito kami? Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip? Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit, Pagka ang alabok ay napuputik, At ang mga bugal ay nanganinikit na maigi? Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, At nagsisitahan sa guwang upang bumakay? Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, Pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, At nagsisigala sa kakulangan ng pagkain?