Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 38

38
Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa liwanag, sa nieve, sa granizo, sa ulan, sa hielo, at sa leon.
1Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job #2 Hari 2:1, 11; Ezek. 1:4. mula sa ipoipo, at nagsabi,
2Sino ito na nagpapadilim ng payo.
Sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
3Bigkisan mo #Job 40:7. ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake:
Sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.
4Saan ka nandoon #Awit 104:4. nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa?
Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
5Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman?
O sinong nagunat ng panukat diyan?
6Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan?
O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
7Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga.
At ang lahat ng mga anak ng Dios ay #Job 1:6. naghihiyawan sa kagalakan?
8 # Awit 104:8, 9. O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat,
Nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata;
9Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon,
At ang salimuot na #Job 22:13. kadiliman na pinakabalot niyaon,
10At aking #Job 26:10. itinatag doon ang aking pasiya,
At nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,
11At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas:
At dito'y #Awit 89:9; 93:4. titigil ang iyong mga palalong alon?
12 # Awit 74:16. Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan,
At ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako;
13Upang humawak sa mga wakas ng lupa,
At ang masasama ay maugoy doon?
14Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak;
At lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan:
15At sa masama ay inalis #Job 24:13, 17; Mat. 6:23. ang kanilang liwanag,
At #Awit 10:15. ang mataas na kamay ay mababali.
16Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat?
O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman?
17Nangahayag ba sa iyo #Awit 9:13; 107:18; Is. 38:10; Mat. 16:18. ang mga pintuan ng kamatayan?
O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan?
18Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa?
Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat.
19Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag,
At tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon;
20Upang iyong madala sa hangganan niyaon,
At upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon?
21 Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon,
At ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami!
22Pumasok ka ba sa mga #Awit 135:7. tipunan ng nieve,
O nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo,
23Na #Ex. 9:18; Jos. 10:11; Is. 30:30; Ex. 13:11, 13; Apoc. 16:21. aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan,
Laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma?
24Sa aling daan naghiwalay ang liwanag.
O sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa?
25Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig,
O ng daanan ng kidlat ng kulog;
26Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao.
Sa ilang na doon ay walang tao.
27 # Awit 107:35. Upang busugin ang giba at sirang lupa;
At upang pasibulin ang sariwang damo?
28 # Awit 147:8; Jer. 14:22. May ama ba ang ulan?
O sinong nanganak sa mga patak ng hamog?
29Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo?
At #Awit 147:16, 17. ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino?
30Ang mga #Job 37:10. tubig ay nakukubling gaya ng bato,
At ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno.
31Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na #Job 9:9; Amos 5:8. Pleyade,
O #Job 12:18. makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion?
32Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan?
O mapapatnubayan mo ba ang #Job 9:9. Oso na kasama ng kaniyang mga anak?
33Nalalaman mo ba #Jer. 31:35. ang mga alituntunin ng langit?
Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?
34Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap,
Upang takpan ka ng saganang tubig?
35Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon,
At magsabi sa iyo: Nangarito kami?
36Sinong naglagay ng karunungan sa #Awit 51:6. mga pinakaloob na bahagi?
O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip?
37Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan?
O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit,
38Pagka ang alabok ay napuputik,
At ang mga bugal ay nanganinikit na maigi?
39Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae?
O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon,
40Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga,
At nagsisitahan sa guwang upang bumakay?
41 # Awit 147:9; Luc. 12:21. Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya,
Pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios,
At nagsisigala sa kakulangan ng pagkain?

Kasalukuyang Napili:

JOB 38: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya