Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 38

38
Ang Sagot ng Diyos kay Job
1Pagkatapos nito, sumagot ang Diyos kay Job sa pamamagitan ng malakas na bagyo,
2“Sino kang mag-aalinlangan sa aking kaalaman?
Lalo lamang lumilitaw ang iyong kamangmangan.
3Tumayo ka riyan at magpakalalaki,
tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi.
4Nasaan ka nang likhain ko ang mundo?
Kung talagang may alam ka, lahat ay sabihin mo.
5Sino ang nagpasya tungkol sa lawak nito?
Sino ang sumukat, alam mo ba ito?
6Sino ang may hawak ng mga haligi ng mundo?
Sino ang naglagay ng mga panulukang-bato?
7Noong#Bar. 3:34. umagang iyon, ang mga bitui'y nag-awitan,
at mga nilalang sa langit, sa tuwa'y nagsigawan.
8“Sino#Jer. 5:22. ang humarang sa agos ng dagat,
nang mula sa kalaliman ito'y sumambulat?
9Tinakpan ko ang dagat ng ulap na makapal,
at binalutan ito ng kadiliman.
10Ang dagat ay nilagyan ko ng hangganan,
upang ito'y manatili sa likod ng mga harang.
11Sinabi kong sila'y hanggang doon na lang,
at huwag lalampas ang alon na naglalakihan.
12Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang-liwayway?
13Ang daigdig ba ay naigawa mo ng tanglaw,
upang ang masasama'y mabulabog sa taguan?
14Malinaw na gaya ng tatak sa putik,
nang makulayan ay tumingkad gaya ng damit.
15Masasamang tao'y nasisilaw sa liwanag ng araw,
sa paggawa ng karahasan sila'y napipigilan.
16“Nakapunta ka na ba sa mga bukal ng karagatan?
Ang sahig ng dagat ay iyo bang nalakaran?
17May nakapagturo na ba sa iyo sa mga pintuan
na pasukan tungo sa madilim na daigdig ng mga patay?
18Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo?
Sumagot ka kung alam mo.
19“Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag,
at ang kadiliman, saan ba ito nagbubuhat?
20Masasabi mo ba kung hanggang saan dapat makarating,
at mula doon sila'y iyong pabalikin?
21Ikaw ay matanda na, baka nga iyong kaya,
pagkat nang likhain ang daigdig, ikaw ay nariyan na!
22“Napuntahan mo na ba ang aking mga imbakan
ng niyebe at ng yelong ulan?
23Ang mga ito'y aking inilalaan,
sa panahon ng digmaan at ng kaguluhan.
24Nakapunta ka na ba sa sikatan ng araw,
o sa pinagmumulan ng hanging silangan?
25“Sino nga ba ang humukay ng daanan ng baha?
Ang landas ng kulog ay sino ang gumawa?
26Sino ang nagbibigay ng ulan sa disyerto,
kahit na doo'y wala namang nakatirang tao?
27Sino ang dumidilig sa tigang na lupa,
upang dito'y tumubo ang damong sariwa?
28Ang ulan ba o ang hamog ay mayroong ama?
29Ang yelong malamig, mayroon bang ina?
Sino nga kaya ang nagsilang sa kanila?
30Sa labis na lamig, tubig ay tumitigas,
nagiging parang bato ang ibabaw ng dagat.
31“Ang#Job 9:9; Amos 5:8. Pleyades ba'y iyong matatalian,
o ang Orion kaya'y iyong makakalagan?
32Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin,
o maituturo ang daan ng malaki't maliit na diper?
33Alam mo ba ang mga batas sa langit,
ito ba'y maiaangkop mo sa daigdig?
34“Ang mga ulap ba'y iyong mauutusan
upang sa lupa ay magbuhos ng malakas na ulan?
35Mauutusan mo ba ang kidlat na ito'y kumislap,
sumunod naman kaya sa iyong mga atas?
36Sino ang nagsasabi sa ibong Ibis kung kailan tataas ang Ilog Nilo,
at sino ang nagpapabatid sa tandang upang ibadya ang pagdating ng bukang-liwayway?
37Sinong makakabilang sa ulap na makapal,
o makakapagtaob nito upang bumuhos ang ulan?
38Ang ulan na sa alabok ay babasa, kapag iyon ay natuyo, magiging matigas na lupa.
39“Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon,
upang mapawi ang kanilang gutom?
40Habang sila'y naroon sa kanilang taguan,
at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay?
41Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon,
sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?

Kasalukuyang Napili:

Job 38: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya