Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 38:22-41

Job 38:22-41 ASD

“Nakapunta ka na ba sa lugar na pinanggagalingan ng nyebe o ulan na yelo? Ang mga yelong itoʼy inihahanda ko para sa panahon ng kaguluhan at digmaan. Alam mo kung saan nagmumula ang kidlat? At kung saan nagmumula ang hanging silangan? Sino nga ba ang gumawa ng dadaanan ng ulan at ng bagyo? Sino nga ba ang nagpapadala ng ulan sa disyerto, sa lugar na walang nakatirang tao? Sino ang nagpapadala ng ulan sa ilang upang tumubo ang mga damo? Mayroon bang ama ang ulan? Sino ang ama ng mga ng hamog? Sino ang ina ng niyebe? Sino ang nagsilang sa yelong mula sa langit? Ang tubig ay nagyeyelo na kasintigas ng bato, pati na ang itaas na bahagi ng dagat. “Kaya mo pagkumpul-kumpulin ang mga bituin ng Pleyades o ikalat ang mga bituin ng Orion? Masasabihan mo ba ang mga bituin na lumabas sa tamang oras? Magagabayan mo ba ang mga bituing Malaking Oso at Maliit na Oso sa kanilang daan? Alam mo ba ang mga tuntuning umiiral sa langit? Ito kayaʼy mapapairal mo rito sa lupa? “Masisigawan mo ba ang mga ulap para bumuhos sila ng ulan? Mauutusan mo ba ang kidlat na kumislap? Mapapasunod mo kaya ito? Sino ang nagbibigay ng karunungan at pang-unawa ng tao? Sinong napakarunong ang makakabilang ng mga ulap? Sinong makakapagbuhos ng tubig mula sa langit upang ang mga tuyong alikabok ay maging buo-buong putik? “Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon upang sila ay mabusog habang silaʼy nagtatago sa kanilang lungga o sa maliliit na punongkahoy? Sino ang nagpapakain sa mga uwak kapag silaʼy nagugutom at kapag ang mga inakay nilaʼy humihingi ng pagkain sa Diyos?