Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Zion! Sumigaw ka, Israel! Magalak ka ng buong puso, Lunsod ng Jerusalem! Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh, at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel, wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem, “Huwag kang matakot, Zion; huwag kang panghinaan ng loob. Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan, gaya ng nagdiriwang sa isang kapistahan. Ililigtas kita sa iyong kapahamakan, upang huwag mo nang maranasan ang kahihiyan. Sa panahong iyon ay haharapin ko ang mga umapi sa iyo. Titipunin ko ang mga itinakwil, papalitan ko ng karangalan ang kanilang mga kahihiyan, at gagawin ko silang tanyag sa buong daigdig. Sa panahong iyon, kayo'y aking titipunin at ibabalik sa inyong tahanan. Gagawin ko kayong bantog sa buong daigdig, at muli kong ibabalik ang inyong kayamanan at kasaganaan.” Si Yahweh ang nagsabi nito.
Basahin Zefanias 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Zefanias 3:14-20
7 Araw
Binabalaan ni Zefanias ang Israel na hahatulan sila ng Diyos, ngunit sinabi rin sa kanila kung gaano Niya sila kamahal at kung paanong isang araw ay magsasaya Siya sa kanila sa pamamagitan ng pag-awit. Araw-araw na paglalakbay sa Zefanias habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas