Zefanias 3:14-20
Zefanias 3:14-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Zion! Sumigaw ka, Israel! Magalak ka ng buong puso, Lunsod ng Jerusalem! Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh, at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel, wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem, “Huwag kang matakot, Zion; huwag kang panghinaan ng loob. Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan, gaya ng nagdiriwang sa isang kapistahan. Ililigtas kita sa iyong kapahamakan, upang huwag mo nang maranasan ang kahihiyan. Sa panahong iyon ay haharapin ko ang mga umapi sa iyo. Titipunin ko ang mga itinakwil, papalitan ko ng karangalan ang kanilang mga kahihiyan, at gagawin ko silang tanyag sa buong daigdig. Sa panahong iyon, kayo'y aking titipunin at ibabalik sa inyong tahanan. Gagawin ko kayong bantog sa buong daigdig, at muli kong ibabalik ang inyong kayamanan at kasaganaan.” Si Yahweh ang nagsabi nito.

Zefanias 3:14-20 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ni Zefanias: “Kayong mga mamamayan ng Israel, sumigaw kayo sa tuwa! Kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umawit kayo at magalak nang buong puso! Sapagkat hindi na kayo parurusahan ng PANGINOON. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway. Kasama ninyo ang PANGINOON, ang Hari ng Israel, kaya wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na iyon, sasabihin ng mga tao sa mga taga-Jerusalem, Mga mamamayan ng Zion, huwag kayong matakot; magpakatatag kayo. Sapagkat kasama ninyo ang PANGINOON na inyong Diyos. Siya ay isang mandirigmang magliligtas sa inyo. Siyaʼy magagalak sa inyo, at sa kanyang pag-ibig kayoʼy kanyang panunumbalikin. Sa kanyang kagalakan ay kanyang aawitan.” Sinabi ng PANGINOON, “Titipunin ko kayong mga naghihinagpis dahil sa kapistahan. Ililigtas ko kayo sa kasawian para hindi na kayo malagay sa kahihiyan. Sa araw na iyon, parurusahan ko ang lahat ng umaapi sa inyo. Kayoʼy parang mga tupang napilay at pinaghiwa-hiwalay, ngunit ililigtas ko kayo at titipuning muli. Inilagay kayo sa kahihiyan noon, ngunit kayoʼy pararangalan ko at gagawing tanyag sa buong mundo. Oo, titipunin ko kayo sa araw na iyon at pauuwiin ko kayo sa inyong bansa. Pararangalan ko kayo at gagawing tanyag sa buong mundo sa araw na panumbalikin ko ang inyong mabuting kalagayan at masasaksihan ninyo itong mangyari sa inyong harapan,” sabi ng PANGINOON.
Zefanias 3:14-20 Ang Biblia (TLAB)
Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem. Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan. Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay. Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit. Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan. Narito, sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa. Sa panahong yao'y aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.
Zefanias 3:14-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Zion! Sumigaw ka, Israel! Magalak ka ng buong puso, Lunsod ng Jerusalem! Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh, at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel, wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem, “Huwag kang matakot, Zion; huwag kang panghinaan ng loob. Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan, gaya ng nagdiriwang sa isang kapistahan. Ililigtas kita sa iyong kapahamakan, upang huwag mo nang maranasan ang kahihiyan. Sa panahong iyon ay haharapin ko ang mga umapi sa iyo. Titipunin ko ang mga itinakwil, papalitan ko ng karangalan ang kanilang mga kahihiyan, at gagawin ko silang tanyag sa buong daigdig. Sa panahong iyon, kayo'y aking titipunin at ibabalik sa inyong tahanan. Gagawin ko kayong bantog sa buong daigdig, at muli kong ibabalik ang inyong kayamanan at kasaganaan.” Si Yahweh ang nagsabi nito.
Zefanias 3:14-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)