Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos. Sinasabi ko sa inyo, si Cristo'y naglingkod sa mga Judio upang patunayang ang Diyos ay tapat, at tumutupad sa mga pangako niya sa kanilang mga ninuno, at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng nasusulat, “Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.” Sinabi rin, “Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!” At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!” Idinagdag pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang ito'y maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.” Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Basahin Mga Taga-Roma 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Roma 15:7-13
7 Days
How can we find the right attitude for every situation? What is the right attitude? This seven-day Bible Plan finds answers in the life and teachings of Christ. Let these daily encouragements, reflective prayers, and powerful Scriptures form in you the mind of Christ.
24 Days
There’s no way you can be all God wants you to be and fulfill the purposes that you were put on this planet to fulfill without any help. We need each other, and we belong to each other in the Body of Christ! In this series, Pastor Rick explains how to do life in relationship to other people.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas