Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 75:7-10

Mga Awit 75:7-10 RTPV05

Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay. Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin. Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas. Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas!