Mga Awit 75:7-10 - Compare All Versions
Mga Awit 75:7-10 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay. Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin. Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas. Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas!
Mga Awit 75:7-10 ASD (Ang Salita ng Diyos)
kundi sa Diyos lamang. Siya ang humahatol; kung sino ang ibababa at kung sino ang itataas. Dahil ang PANGINOON ang humahawak ng kopa na puno ng bumubulang matapang na alak. Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama hanggang sa huling patak. Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayag ang tungkol sa Diyos ni Jacob, aawit ako ng mga papuri para sa kanya. Aalisin niya ang kakayahan ng masasama, ngunit dadagdagan niya ang kapangyarihan ng matutuwid.
Mga Awit 75:7-10 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay. Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin. Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas. Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas!
Mga Awit 75:7-10 TLAB (Ang Biblia)
Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa. Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin. Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob. Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas.
Mga Awit 75:7-10 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Kundi ang Dios ay siyang hukom: Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa. Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin. Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob. Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; Nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas.