Mga Awit 34:6-9
Mga Awit 34:6-9 RTPV05
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop. Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya. Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan, nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.



