Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 34:11-14

Mga Awit 34:11-14 RTPV05

Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang. Sinong may gusto ng mahabang buhay; sinong may nais ng masaganang buhay? Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan.