Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 33:6-9

Mga Awit 33:6-9 RTPV05

Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa't talang maririkit; sa iisang dako, tubig ay tinipon, at sa kalaliman ay doon kinulong. Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha! Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa.