Mga Awit 33:6-9 - Compare All Versions
Mga Awit 33:6-9 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa't talang maririkit; sa iisang dako, tubig ay tinipon, at sa kalaliman ay doon kinulong. Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha! Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa.
Mga Awit 33:6-9 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sa pamamagitan ng salita ng PANGINOON, ang langit ay nalikha; sa kanyang hininga nagmula ang araw, buwan at mga bituin. Inipon niya ang dagat na parang inilagay sa isang sisidlan. Ang lahat ng tao sa daigdig ay dapat matakot sa PANGINOON, dahil nang siyaʼy nagsalita, nalikha ang mundo; siyaʼy nag-utos at lumitaw ang lahat.
Mga Awit 33:6-9 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa't talang maririkit; sa iisang dako, tubig ay tinipon, at sa kalaliman ay doon kinulong. Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha! Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa.
Mga Awit 33:6-9 TLAB (Ang Biblia)
Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig. Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton: inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan. Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya. Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag.
Mga Awit 33:6-9 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig. Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton: Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan. Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya. Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; Siya'y nagutos, at tumayong matatag.